Coronavirus, ginulo ang body clock ng lahat
Sobra nang naiba ang body clock ko sa sobra yatang tulog dahil sa naganap na quarantine period. Iba-iba na ang gising at tulog ko kaya nawiwindang ako pag inaantok ako sa mga oras na dapat active ang utak ko.
At in the middle of the night, magigising ako dahil sa nga sobrang aga kong natulog na 5:00 p.m. lang inaantok na ako at tulog na ng 6:00 p.m.
Naku hindi na rin ako nag-i-enjoy na lumabas dahil parang pagod na agad ako pag rumampa ng ilang oras.
Iyon ngang TIPMMG, pagkatapos at pag-uwi ko parang akala mo ang dami kong naging trabaho dahil parang pagod na pagod ako.
Bongga na talagang iyon body clock mo nagalaw ni corona o COVID dahil sa sobrang pahinga yata at tulog hanggang ngayon ang ibang parts ng katawan natin.
Grabe ha, talagang killjoy sa buhay itong si corona virus.
Jessa bagay na endorser ng Beautederm
Si Jessa Zaragosa pala ang dagdag endorser ng Beautederm ni Rhea Tan, Salve. Sabagay malaking bagay na isang singer si Jessa at puwedeng isama sa mga personal appearance at store visit ng Beautederm, plus the fact na na-maintain ni Jessa ang beautiful skin niya by using Beautederm products.
Sabi nga ni Chuck Gomez, excited siya na isa nang ambassador ng number one beauty products ngayon si Jessa dahil nun pa ay idol na niya ito sa pag-awit, at ‘di ba katunog ng Jessa ang Dessa na alaga ni Chuck, hah hah joke. Welcome addition si Jessa sa mga Beautederm ambassadors, promise.
- Latest