^

PSN Showbiz

DOJ at NBI, handa nang kasuhan ang nagbanta ng pangri-rape kay Frankie

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
DOJ at NBI, handa nang kasuhan ang nagbanta ng pangri-rape kay Frankie
Frankie

Trending na naman si Frankie Pangilinan kahapon.

Ito ay matapos ngang sabihin ng National Bureau of Investigation na sinimulan na nila ang pag-iimbestiga sa bantang panggagahasa sa anak nina Sen. Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta.

“May directive sa amin si OIC ng NBI para tingnan iyong issue. Tiningnan namin kung saan kami mag-uumpisa, anong magiging lead,” sabi ng hepe ng NBI Cybercrime Division sa isang interview.

Nauna na ngang sinabi ni Sharon na idedemanda niya ang nasabing lalaki na nagbantang gagahasain ang anak na dalagang nag-aaral sa New York.

Sumabog ang galit niya isang lalaking nagngangalang Sonny Alcos.

Sinabi nga ng lalaking ito na “Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. Magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

Sinagot siya ni Sharon ng : “GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA.” 

Bukod sa NBI, handa na rin daw ang Department of Justice sakaling ituloy ni Sharon ang kaso laban sa nasabing lalaki na nasa abroad pala.

“Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify the respondent’s identity and address for the purpose of giving him notice,” ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra sa interview kahapon ng news reporters.

Marami na ang sumusuporta kay Frankie kasama na ang grupong Gabriela.

Nag-umpisa ang lahat nang kontrahin ni Frankie ang shout out ng pulis na hindi dapat nagsusuot ng mga maiiksing damit ang mga babae para hindi sila nababastos at saka magre-reklamo sa mga pulis.

 

 

FRANKIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with