Lauren tuloy ang pakikipag-laban sa kaso ng rape!
Umiinit na pinag-usapan ang isyu ng rape at ang victim blaming na naging ugat pa ng pakikipagtalo ng mga kabataang celebrities gaya nina Frankie Pangilinan at Lauren Young sa ilang pulis at sa kilalang broadcaster na si Ben Tulfo.
Nagpahayag ang mga magulang ni Frankie na sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na proud sila sa pagiging vocal ng kanilang anak na sabihin at panindigan ang kanyang pinaniniwalaan.
Hanggang nag-trending pa ang #hijaako.
Ganun na nga ang karamihan sa mga kabataan ngayon. Kaya nilang panindigan at ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan na sa tingin nila tama at makapagbigay proteksyon sa kanilang sarili.
Nakapanayam nga namin si Lauren Young sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi at sinasabi niyang dapat na isa rin ito sa tutukan dahil nagiging pag-uusap lang daw ito ngayon, at naging trending, pero kalaunan ay makalimutan din, marami pa rin sa mga kababaihan na hindi pa rin nabigyan ng proteksyon.
Aniya; “I feel like it’s a conversation na hindi siya puwedeng makalimutan lang, at hindi siya isang trending topic na okay ito ngayon ang topic, pero pag makalimutan at may dumating na ibang topic makalimutan na natin yung #hijaako o rape culture o victim blaming. You know, it happens so much in everyday lives of women na hindi lang naman siya basta rape lang. Women get cat called, men get raped as well and we are constantly…a lot of women are living in fear and a lot of women go out on the streets being so uncomfortable kasi araw-araw nilang nararanasan yun.”
Kaya dapat na pansinin daw ito ng mga mambabatas natin sa ngayon.
Pinupunto niya rito, na bakit kailangang ibaling ang sisi sa mga kababaihang nagsusuot ng sexy na damit kaya sila nababastos o nari-rape. Bakit hindi ‘yung gumawa ng krimen?
“I believe talaga that education really is the key. Hindi siya mari-resolve until we have a proper education system or until maging continuous conversation siya.
“The reason why I speak out because I have this platform and I want these girls to know na hindi sila nag-iisa.
“It’s so sad. Why would you blame a person who’s in so much pain already,” pahayag ni Lauren.
Kaya isa siya sa nakikiusap sa mga mambabatas na dapat pansinin din itong problema sa ating lipunan lalo na sa mga kababaihan, at pati na rin sa ilang kalalakihang nabibiktima na rin.
Vico umayaw sa birthday celebration
Maaga pa lang kahapon ay tambak na ang bumabati ng Happy birthday kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
Bale 31 na siya at nakikita kung gaano siya kamahal ng mga taga-Pasig dahil sa dami nang mga bumabati sa kanya.
Sabi ni Mayor Vico sa kanyang Facebook account: “Maraming salamat po sa lahat ng bumati at sa mga babati pa lang!
“Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery food packs at ipamigay sa nangangailangan. (Puwede nyo i-drop off sa RED o sa Mayor’s office; kung ano ang mas convenient.)
“Pakiusap na wala munang celebration o surprise party. Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering…buhay na buhay pa si COVID mga kaibigan!
“Papunta na po ako opis ngayon. Kung may binabalak kayo, itigil nyo na yan!”
Sabi sa amin ni Pauleen Luna, nagkausap na raw sina Bossing Vic at Mayor Vico at nabati na niya ang kanyang anak.
Noon pa man, sinasabi ni Bossing Vic na sobrang proud siya sa lahat na ginagawa ni Mayor Vico at suportado niya ito.
Pero obvious na nami-miss na niya ito dahil hindi pa rin sila nagkikita-kita gawa ng naka-quarantine pa rin sila.
Iyon talaga ang nami-miss ni Bossing Vic, ang weekly gathering nilang mag-anak.
Happy birthday Mayor Vico!
- Latest