Lea napa-p i sa galit!
Matapang ang mga post ng Broadway actress / singer Lea Salonga kahapon. Dumating pa sa point na napamura siya. “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin,” shout out niya sa Facebook account niya.
May isa pa siyang post na “I hate this year. I really, really hate this year.”
Kaya naman nagtatanungan ang ibang followers and friends niya kung ano ‘yun.
Meron siyang mga sinasagot at ramdam mong maraming nasa utak niya sa mga nangyayari sa kasalukuyan.
“Here’s my problem... I don’t possess a lot of trust in the things I see and read, even if and when the sources are supposed to be those in which we should be able to have unquestionable trust. Second, I house a conspiracy theorist in my head, one that I do try to quell in order to stay focused on the long game. Third, there is always a sense of fear that if anyone pisses off the wrong guy, one can get shot in broad daylight,” ang isa sa mga reply ni Ms. Lea sa nag-comment sa post niya.
Kahapon nga ay hinatulan ng guilty verdict si Maria Ressa for cyber libel ng Manila Trial Court at maraming netizens ang umalma sa nangyari.
Babad nga sa trending si Maria Ressa.
Though walang direct mention si Lea tungkol dito, nasa comment section niya na ito ang pinatutungkulan niya.
- Latest