^

PSN Showbiz

Aktres nagmamakaawang magkatrabaho sa kabilang channel

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kuwento ang aming impormante tungkol sa dalawang kilalang female personalities na nag-uusap sa telepono. Tatawagin nating silang sina Actress A at Actress B.

Tungkol sa matinding pangangailangan ni Actress A ng trabaho ang kanilang paksa. Paubos na ang naiipon niya kailangan na niyang makapagtrabaho uli, para may pumasok sa kanyang bulsa.

Actress A: Sige na, friend, baka naman puwede akong makapagtrabaho sa inyo. Ilang panahon pa at nganga na talaga ako. Paano naman ang family ko?

Actress B: I told you! Nu’n ko pa sinasabi sa iyo na gumawa ka na ng serye sa amin, pero ano ang sabi mo? Okey ka lang, maganda naman ang talent fee mo.

Ngayon, gusto mo mang mag-work, e, wala nang paraan, ang dami-dami n’yong nakatengga ngayon, paano na kayo? Kung nakinig ka lang sana nu’n sa akin, hindi mo inabot ang ganito!

Actress A: E, sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakaganyan pala ang station namin? Meron bang mag-isip na magkakaproblema pala ng ganyan ang network?

Please naman, friend, kahit mag-umpisa muna ako sa roles na hindi malaki, ang TF naman, e, mapag-uusapan din, magkatrabaho lang ako!

Actress B: Wala akong ipapangako sa iyo, ha? Pero sige, best effort, papakiramdaman ko ang production. Ang dami-dami na rin kasing nagpaparamdam na nangangailangan ng work!

Siyempre, priority naman ng network namin ang homegrown talents, alangan namang kami pa ang matengga, di ba? Kami muna siyempre bago kayong ngayon lang nakaisip na lumipat dahil wala na kayong work sa kabila!

Actress A: Please, wait ko ang balita mo, ha? May mga bumabalik nang shows, pero iilang artista pa lang naman ang may work, mas marami ka­ming tengga pa rin. Please...

Pagtatapos ng ­aming source, “Magkaibigan ang dalawang ito, pareho silang nakalinya sa drama. Pareho rin silang puwedeng bida-kontrabida, magagaling naman silang artista, impernes.”

Ubos!

Mga manyakis hindi pinalampas Frankie, consistent ang pagiging palaban

Hindi puwedeng paupuin lang sa isang sulok ang panganay nina Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie.

May bibig ang dalaga, nakikilahok siya sa mga usapin ng lipunan, nan’dyan din siya bilang de-primerang tagapagtanggol ng kanyang inang Megastar.

Kahit nga si PRRD ay sinagot niya nu’ng magpakawala nang maanghang na salita ang pangulo tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang mga magulang, hindi siya nanahimik lang, kaya ang broadcaster pa kayang si Ben Tulfo ang pangingilagan ni Frankie?

At nasa riles ng tren ang kanyang opinyon, bakit nga naman ang mga kababaihan ang kailangang turuang manamit, bakit hindi ang mga rapist ang sugpuin?

Maaring nakapag-iimbita ng pag-iinit ng karburador ng mga kalalakihan ang nakasuot ng seksing damit, pero hindi pa rin ‘yun ang basehan, ang utak ng rapist ay walang pinipiling kasuotan.

Kahit pa nakasutana ang babae na walang nakalitaw na anumang parte ng katawan, kapag umiral ang utak-demonyo ng manyak ay walang kapatawaran, iiral pa rin ang kagutuman nito sa laman.

Bakit ang damit ng babae ang kailangang pag-initan, bakit hindi ang mga nanggagahasa ang parusahan, walang-wala naman sa katwiran ang mga nagtatanggol pa sa mga utak-demonyong rapist na ‘yan!

Ang mga exhibitionist nga, wala namang nakikitang mga kababaihang nakasuot ng damit na sexy, pero sige pa rin sa pagpapakita ng kanilang kababuyan sa publiko.

Naliligayahan sila sa ganu’n, sige-sige sila sa paglalaro sa kanilang sandata, kasi nga ay utak ng demonyo ang umiiral sa kanila.

Bakit kailangang ang mga nanggagahasa ang magdikta sa kung ano ang kailangang isuot ng mga kababaihan? Malaya ang bansang ito, basta walang tinatapakan at sinasaktan ang babae ay hindi siya dapat sisihin sa kanyang gayak.

Ang mga manyakis ang kailangang gamutin, ang kailangang sugpuin, dahil sa utak na ang kanilang problema at hindi sa pisikal lang.

CHANNEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with