Ibang Kapamilya serye na nag-resume ng taping, may mga tinanggal
Dahil bawas nga ang bilang ng mga pwede lang sa tapings, hindi raw lahat ng kasama sa cast ng Love Thy Woman ay kasama pa rin sa pagre-resume nila ng trabaho.
May mga nabawas na raw sa cast.
Ganoon din daw sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Kapag nag-resume rin daw ang taping ng Burado (kung saan ay wala na sa cast sina Julia Montes at Nadine Lustre dahil sa personal nilang desisyon), may mawawala rin daw sa original cast.
Hindi lang ako sure kung nakapag-taping na si Matet de Leon, pero may nakapagtsika sa akin na hindi na rin daw siya tuloy sa Burado.
Sayang, magkakasama pa naman sana si Matet at ang ate niyang si Lotlot de Leon sa action series na ‘yon ng Dreamscape.
Kung matatandaan, noong unang in-announce ang tungkol sa proyektong ‘yon ay parehong masaya ang magkapatid na magkakatrabaho sila sa Burado.
Si Tonton Gutierrez naman ang nadagdag sa cast ng Burado.
Love Thy Woman... naka-quarantine na
Nag-start na pala ang self-quarantine ng cast ng Love Thy Woman dahil kailangan ‘yon bago sila i-rapid test at ma-lock-in bago ang pagre-resume ng kanilang taping.
Siyempre, behaved ang cast ng Love Thy Woman dahil gusto na rin naman nilang mag-work uli.
Sobrang naging close ang cast ng nasabing afternoon series noong regular pa ang taping days nila, kaya naman sobrang natuwa rin sila na isa sila sa mga mauunang mag-taping para sa pagbabalik ng kanilang series sa Kapamilya Channel sa Skycable, Cablelink, GSAT Direct TV, iWant at TFC (The Filipino Channel).
Si Kim Chiu, sobrang malapit sa kanyang co-stars dahil sobrang bait at palagi raw may pasalubong na pagkain sa set.
I’m sure, masaya si Kim, pati ang boyfriend na si Xian Lim dahil magkakasama na naman sila sa taping.
Anyway, excited na ang kanilang KimXi fans sa pagbabalik ng kanilang afternoon series na nagsimulang mapanood kahapon after ng It’s Showtime. Ang mga dating eksenang naipalabas na ang ipinalalabas muna at ‘yung kukunan nilang mga bagong eksena ang mapapanood after two weeks.
‘Yun na!
- Latest