^

PSN Showbiz

Pulitikong laging laman ng mga balita, may nakaraan sa baklang designer

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maigsi lang ang blind item na ito. Pero rock! May nakaraan pala ang isang pulitikong palaging laman ng mga balita ngayon at ang isang kilalang designer.

Nasa kolehiyo ang pulitiko nang magkakilala sila ng gay designer, isang common friend ang nagpakilala sa kanilang dalawa, hanggang sa ang pagkikilalang ‘yun ay lumalim na nang lumalim.

Sabi ng aming source, “Matangkad siya, Pinoy na Pinoy ang dating, ‘yun pa naman ang talagang type na type ng gay designer!

“Madalas silang magkasama, sinusundo siya ng gay designer sa school niya, sa house ng gay designer sila tumutuloy.

“Nagtagal din sila, ha? Generous ang gay designer, lahat ng kailangan ng kanyang boy toy, give lang siya nang give!” kuwento ng ­aming impormante.

Nang maghiwalay sila ay nangibang-bansa na ang gay designer, pero nagkakabalitaan pa rin sila, nang magdesisyon ang gay designer na umuwi na ay abala na sa kanyang mga pangarap na pampulitika ang kanyang dating alaga.

Nakakaloka ang tanong sa kanya ng isang kaibigan, “Taga-Dakota Harrison ba ang politician o nakatira siya na malapit lang sa Duty Free?”

Walang kagatol-gatol na sumagot ang nagkakaedad nang gay designer, “Matangkad lang siya, pero hindi naman lahat ng matangkad, e, blessed. Malapit lang sa Duty Free ang house niya!” diretsong sagot ng gay designer.

Manay Lolit Solis at Mr. Fu, walang bukingan kung sino ang kontrobersiyal na pulitikong ito, ha? Pramis!

Ubos!

Kris mag-aaral ng Political Science

Mukhang nabuhay ang entusiyasmo ni Kris Aquino sa mundo ng pulitika na kinagisnan-kinalakihan niya. Hindi niya naman diretsong sinabi na may plano siyang tumakbo sa darating na eleksiyon pero ‘yun ang kutob ng ating mga kababayan.

Gusto niyang pag-ibayuhin ang pag-aaral, meron na siyang diploma sa kolehiyo pero gusto pa rin niyang magpakadalubhasa sa Political Science, du’n nagkaroon ng konklusyon ang marami na may plano na siyang lumahok sa mundo ng pulitika sa 2022.

At bakit naman hindi? Una ay may karapatan si Kris na tumakbo dahil matalino siya, bukod pa sa alam na alam na niya ang likaw ng bituka ng pulitika, may maitatago pa ba naman sa kanya?

Bahagya pa lang siyang umaangat sa lupa ay umaakyat na siya sa entablado de kampanya ng kanyang ama nang kumandidatong senador.

Naging pangulo si Tita Cory, ganu’n din ang kapatid niyang si Noynoy, nasa kanyang dugo ang serbisyo-publiko.

Lantad na kay Kris ang usaping-pulitika, nasaksihan niya ‘yun mula sa kanyang mga magulang at kapatid, at kung talagang nasa mga palad niya ang pagiging matagumpay na pulitiko ay wala nang makahaharang pa sa kanyang plano.

Napakalaki ng papel na ginagampanan ng salitang destiny sa ating buhay. Sino ba ang mag-aakala na pamumunuan pala ng isang Black-American ang pinaghaharian ng mga Puti?

Sa simula pa lang ng kampanya ay winasak-minaliit na agad ang anak ng Kenya na si Barrack Obama pero dahil nakadestino na itong magtagumpay ay may nagawa ba ang mga pangmemenos sa pagiging Black-American ng dating pangulo ng Amerika?

At meron din bang nag-akala na magiging pangulo pala natin ang dating mayor ng Davao na si PRRD? Na magiging pangulo rin ng Republika ng Pilipinas ang artistang si Joseph Estrada?

Sa pagkapanganak pa lang natin ay malinaw nang nakaguhit sa ating palad kung saan tayo pupunta at kung ano ang linyang pagtatagumpayan natin.

Nagtagumpay nang TV host si Kris Aquino, hawak niya ang korona sa naturang linya, pero paano kung nandu’n din pala sa kanyang mga palad ang bituin sa mundo ng pulitika?

Nu’ng minsan ay sinabi sa amin ni Kris, “My mom told me never akong puwedeng mag-Senate because 23 people will want to kill me.”

Kung hindi pala siya puwede sa Senado ay ano kaya ang posisyong napipintong takbuhan ni Kris Aquino kapag talagang desidido na siya?

Dalawang posisyon lang ang mapagpipilian natin, ang pagiging pangulo o bise-presidente, alin kaya sa dalawang upuang ‘yun ang na­kaguhit sa mga palad niya na mapapasakanya?

‘Yun ang kailangan nating abangan.

DESIGNER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with