Pinky Amador susubukang ayusin ang minura-mura
Hindi pala natuloy ang mediation ni Pinky Amador sa pamunuan ng condotel na tinutuluyan niya na kung saan nagwala siya at pinagmumura ang staff doon.
Naipaliwanag nang maayos ni Pinky kung bakit siya umabot sa ganung sitwasyon, pero nagkaroon ng complain sa barangay at kailangan niya itong harapin.
Ayon sa mga pagtatanong namin sa ilang sources, dalawang babae raw na nasa administration ng naturang hotel ang kumuha ng video na kung saan sila dapat ang kausapin ni Pinky. Pero hindi raw nila hinarap ang aktres.
Nakakapagtaka lang, bakit sa halip na harapin niya at sagutin ang mga reklamo ni Pinky, patago lang siyang nag-video.
Isa iyun sa inirereklamo ni Pinky dahil labag sa Wire-tapping Act ang ginawa niya.
Meron pa raw ibang video iyun, na kung saan doon nanggaling ang pagwawala at pagmumura ni Pinky. Hindi nila iyon nilabas.
Ayaw pa munang magsalita ng aktres sa ngayon dahil payo ng kanyang abogado, tapusin muna ang mediation at baka magkaayos na rin sila.
Hindi pa masabi ni Pinky sa ngayon kung meron din ba siyang isasampang kaso sa administration ng naturang hotel.
May nasagap din kasi kaming kuwentong nakikipag-areglo na raw sa kanya ang administration ng hotel na tinutuluyan niya. Ayaw pa kaming sagutin ni Pinky sa isyung ‘yan.
Kaya tsugi ang Make It Liza umaming takot sa virus at mahina ang immune system
Si Liza Soberano na ang nagkumpirma sa kanyang Instagram account na hindi na ibabalik ang Make it With You nila ni Enrique Gil.
Bahagi ng post niya sa kanyang Instagram account : “It breaks my heart to confirm that we will no longer be coming back to air.
“I know a lot of you are upset and looking for answers and the only explanation I can give you is genuine fear of the virus.
“When we were asked to resume taping on June 13, many of us had hesitations, Considering that the COVID-19 situation here in the Philippines is far from contained, there are many risks I place for me (and everyone involved) given my history of having a weak immune system. I consulted my family, my managers, and the team and we all came to an agreement that it might be for the best to not continue with the show anymore.”
Samantala, hindi na rin nga kasali sa tele-seryeng Burado sina Nadine Lustre at Julia Montes.
Ang latest na nasagap namin ay si Arci Muñoz ang ipinalit, at hindi pa kumpirmado kung sino ang isa pang aktres na makakasama niya rito. Na-retain pa rin sina Zanjoe Marudo at Paulo Avelino, pero hindi na kasali ang Thai actor na kasama dapat sa original cast.
Bandang July pa raw sila magsisimula ng taping, at hinihintay din nila kung magiging okay ang takbo ng taping ng Ang Probinsyano na malapit na ring magsimula.
Anita Linda huling napanood sa circa
Malungkot ang balitang sumalubong sa showbiz industry kahapon ng umaga dahil sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Anita Linda. Nakumpirma namin ito kay direk Adolf Alix na isa sa pinakamalapit sa aktres.
Sabi ni direk Adolf sa kanyang Facebook account : “This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts…She is like my Lola and part of my family.
“The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM at 95. Prayers for her soul. My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn.”
Huling napanood si Anita sa pelikulang Circa na dinirek ni direk Adolf at naging bahagi ito sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ang nakakadagdag na lungkot lang ngayon ay nasa gitna pa tayo ng pandemya at limitado ang pagkilos.
Karapat-dapat na bigyan siya ng parangal sa entertainment industry bilang isa siya sa haligi ng industriyang ito, at magandang ehemplo ng isang tunay na artista at alagad ng sining.
Nakikiramay po kami.
- Latest