Hearing sa franchise ng ABS-CBN nakakainip, maraming pasakalye
Nainip ako, Salve, sa panonood ng Congress hearing noong Lunes dahil ang tagal at medyo paulit-ulit ang paglilinaw sa issue tungkol sa citizenship ni Gabby Lopez.
In all fairness kay Gabby Lopez, cool na cool siya at hindi mo makikitang naiirita. Ang ibang congressman maliwanag ang pagtatanong at maganda ang paglalahad ng issues, pero ang iba, parang ang haba ng pasakalye kaya nakakainip.
Naku, mukhang matagal pa ang hearing na ito, citizenship pa lang ngayon, mayroon pang labor, mayroon pa rin sa tax, kailan kaya ito matatapos?
Siguro mas madali kung pare-pareho ng tanong at interpolate at sama-sama na lang at huwag na lahat magsasalita.
Mas madali siguro na isang bagsakan at itanong na lahat sa isang hearing, interpolate ang pros at cons, at tapusin nang madali.
Ang hirap sundan kasi nga ang tagal pero para sa kapakanan ng justice, sige na nga, pagbigyan na.
Maraming location bawal na sa teleserye
Sayang naman ang teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil na hindi na matutuloy dahil sa maraming locations na involved eh maraming health protocols na ang sinusunod ngayon.
Siguro naman pag-iisipan nila ng bagong istorya ang magka-loveteam na isa sa mga paborito ng viewers dahil bagay na bagay sila sa isa’t isa. Ang cute pa naman ng character nila sa naturang serye, kaya nakakapanghinayang na hindi na ito matutuloy.
Ok lang dahil tiyak naman na bibigyan sila ng iba pang projects ng ABS-CBN.
Wait na lang ang fans nila.
- Latest