Pero nag-sorry naman... Pinky nangatuwiran sa pagmumura!
Magkakaroon ng mediation sa barangay ngayong araw sina Pinky Amador at ng pamunuan ng condotel sa Makati na tinutuluyan niya.
Ito ay kaugnay sa nangyaring gulo kung saan nakunan ang aktres na nagwawala at pinagmumura ang mga staff ng naturang hotel.
Pinagpiyestahan na ang video na iyun na kumalat sa social media, at nung Linggo ng gabi lang naglabas ng statement si Pinky na idinaan sa manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.
Malinaw naman sa kumalat na video na ang ikinagalit nang husto ni Pinky ay ang ‘di pag-isyu ng circular na merong 59 na OFW na pinatuloy sa naturang condotel para i-quarantine.
Hindi pa na-test ang mga iyun kaya maituturing na mga PUM sila pero nakakapagtaka lang na nakakagala sila roon.
Iyun ang ikinagalit nang husto ni Pinky dahil napag-alamang may mga PUM siyang nakakasabay sa elevator at meron pa nga raw siyang tinulungan.
Kung naglabas lang daw sana ng circular na ilang beses na niyang niri-remind sa mga staff, hindi na sana umabot sa ganung gulo.
Nung May 4 pa raw tumanggap ng mga OFW sa naturang establisyemento na ikinabahala ng mga residente doon na merong mga senior citizens at mga kabataan.
Bahagi ng statement ng aktres; “The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents.”
Hindi na raw mabilang ni Pinky kung ilang beses siyang nangungulit na maglabas dapat sila ng circular para aware ang lahat na nakatira roon, pero hindi pa rin nagawa.
Sabi pa sa statement ni Pinky; ‘We have gone to great lengths to acquire a circular from the administration about the incident, and of accepting returning Filipinos, and their current protocols in place, which we requested May 4, 2020 that they post in a public place so that all persons residing in the building would be notified of the incident, and the designation of the building as a quarantine facility.
“We requested to post it inside our elevators to inform everyone, so they can step up their own safety protocols for their families.
“Our simple request was faced with little concern and no sense of urgency by the administration.
“We simply wanted them to be transparent with us about the goings on in the building, and to inform us about any systems they have in place.
“I cannot count the number of times I have tried to communicate this.
“My other neighbors also tried to do so, to no avail. That was utterly frustrating.”
Idiniin din ni Pinky na ang pagkuha ng video nito na nagwawala ay labag din sa batas na obviously kuha rin iyun ng mga nagtatrabaho roon.
“Taking a video without my knowledge in a private property, and deliberately ignoring me (so as to inflame me further) with the intention to leak online, is to me, malicious, vengeful and a violation of the anti-wire tapping act,” sabi pa niya.
Sa huling bahagi ng kanyang statement ay humingi rin siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya, pero ginawa lang daw niya iyun para sa kaligtasan ng kanilang buhay.
“I am not perfect, far from it.
“Under these stressful times, when pushed to the limit, how far will you go to protect your loved ones?
“Sa mga nasaktan ko, I am truly sorry, pero ipinaglaban ko lang ang karapatan natin mabuhay ng ligtas sa sakit,” dagdag niyang pahayag.
Bukas ang pahinang ito sa pahayag ng condotel na tinutuluyan ni Pinky. Iisa lang naman ang hangad ng karamihan na maayos na ito at matapos ang isyu sa mabuting usapan.
- Latest