Tsong Joey, mas iniisip ang mga positive
Ngayong patuloy pa rin nating kinakaharap ang krisis sa bansa dahil sa covid-19 pandemic ay nananatili namang positibo ang pananaw ni Joey Marquez sa mga nangyayari.
Dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa buong Luzon ay magtatatlong buwan nang kasama ng aktor ang kanyang pamilya sa bahay. “Maganda rin pala ‘yung nangyayari sa atin ngayon dahil nagsama-sama tayong mga pamilya natin. Ang mindset natin, ang isip natin ay negative lang. Minsan tingnan din natin ‘yung positive,” bungad ni Joey.
Umaasa ang aktor na malalampasan din nating lahat kung ano mang suliranin ang mga kinakaharap natin sa kasalukuyan. “May kasabihan nga tayo, gaano kalaki man ang problema mo ay mas malaki ang Diyos mo. kaya I pray for all of you, for all the Filipinos and I also pray for our network (ABS-CBN),” giit ng aktor.
Jay-R maraming nakanselang show
Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang magpakasal sina Jay-R at Mica Javier. Bilang bagong mag-asawa ay may ilang mga bagay umano na nakapagpapanibago sa R&B singer. “We were planning on saving up again before going on a honeymoon. The only problem now is when will we be able to work again to be able to save up. The only difference now is that we see each other everyday. Before, we would see each other a lot but we would be with each other 24/7. But I love it. I love spending time with her. We can talk about the most serious topics or just stay in the room not talking at all. Just as long as she’s by my side I’m happy,” pahayag ni Jay-R.
Maraming mga trabaho ng singer ang nakansela dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “I was disappointed that a lot of my work got cancelled. My business had to close down as well. No income was being generated. But I am thankful to Mica, myself, our family and friends are all healthy,” pagtatapat niya.
Umaasa ang R&B singer na muling makababalik sa trabaho ngayong ipinatutupad na ang GCQ o general community quarantine sa Luzon. Hinahanap-hanap na rin ni Jay-R ang pagkanta sa harap ng kanyang mga tagahanga, “My biggest anxiety about the new normal is that I don’t know how long it will last. I miss performing in front of a physical audience. It’s a different exchange of energy when you hear their cheers and feel the love they are sending to me, and vice versa. The energy that I give off in a physical live performance won’t be the same through online. I just hope the audience can still appreciate the effort I am giving for them,” paglalahad ni Jay-R.
Masaya naman ang R&B singer sa naging resulta ng kanyang digital concert kagabi na may titulong Soul In Love Live! (Reports from JCC)
- Latest