Mark engaged na!
Pero kailangang magbago...
Wow, Salve, engaged na sila Mark Herras at Nicole Donesa. Sana nga ay maging daan ito para magkaroon na ng focus at ambisyon si Mark. Sana nga ay makita niya na ang tanging sasandalan sa buhay ay ang kanyang career, at magawa niyang pag-aralan kung paano ito palalaguin.
Sa showbiz kasi, hindi porke nabigyan ka na ng break ay doon na ito nag-uumpisa at hihinto, dapat din as the years goes by, patuloy mong pag-aralang mabuti kung paano madadagdagan ang talent mo, paano mo patuloy na sisikaping lalong pagandahin ang physical appearance mo kaya physically ay dapat mong alagaan ang katawan mo.
At higit sa lahat, ipakita mo sa mga kasamahan mo sa trabaho na masarap kang ka-team para maitanim sa utak nila na magaan kang kasama.
Hanga ako sa pagiging very practical ni Mark at hindi rin siya inggitero, tinatanggap niya ang kung ano lang ang ibinibigay sa kanya kaya lang hindi niya napapansin na dahil sa laid back attitude niya ay napag-iiwanan na siya. Sayang lang dahil puwede naman sanang ma-hone pang mabuti ang talent niya like Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.
Sana ay mas naging focus at konting ambitious siya para hindi napag-iwanan. At sana rin ay alam ni Mark na hindi lahat ay puwede niyang tulungan dahil may hangganan din ang responsibilidad. Iyong kaya mo lang ang ilagay mo sa balikat mo.
Congrats to you and Nicole. Hope you find your forever.
Sapaterong nakatira sa tricycle, nahihiyang tumanggap ng tulong
Naiyak ako sa napanood ko sa 24 Oras tungkol sa sapatero sa kalye na doon natutulog sa kanyang tricycle kasama ng dalawang alaga niyang aso.
Hindi ako naiyak sa kalagayan niya Salve, tumulo ang luha ko nang ibinibigay na ni Mariz Umali ang tulong pinansyal sa kanya pero ayaw niya itong tanggapin.
Alam mo ang dahilan? Para kay mamang sapatero, nahihiya siya dahil baka nakakaabala kay Mariz ang ginagawa niya. Dignity in poverty. Iyong meron pa naman siyang ginagawa para mabuhay nang hindi humihingi sa kahit kanino, ‘yung hindi niya kailangan manlimos dahil meron pa siyang way para mabuhay.
Makikita mo ‘yung hiya sa mukha niya habang tinatanggap ang mga ibinibigay sa kanya ng mga taong na-touch nang mapanood sa TV ang kalagayan niya.
Sa kalye siya natutulog pero nagagawa pa rin niyang alagaan ang dalawang aso.
Gaya nga ng sinabi ko, iyong dignity niya was intact despite his poverty. Iyon ang difference niya sa mga taong walang ginawa kung hindi mag-complain, maghanap at parang entitled na dapat silang tulungan.
Hindi ba ang sarap makita ng isang tao na tanggap ang kalagayan niya at ayaw mang-abala sa iba? Hindi ba iyon ang dapat na ginagawa, kahit anong trabaho puwede mong gawin, iyo ang buhay mo, ikaw lang ang responsable para rito.
- Latest