^

PSN Showbiz

Melai, binawalang manood sa cellphone ang mga anak

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Melai, binawalang manood sa cellphone ang mga anak
Melason Family
STAR/ File

Anim na taong gulang na ang panganay na anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Mela habang tatlong taong gulang naman ang bunsong si Stella.

Sa murang edad ay ipinauunawa na raw ni Melai sa mga anak ang kasalukuyang krisis na nararanasan sa bansa dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Dahan-dahan kong sinabi sa kanila, kasi nagtataka rin sila. Every Sunday may family bonding kami, nagpupunta kami ng church. No’ng na-stop nagtatanong sila, sinasabi ko talaga na may virus, delikado talaga. For our health kailangan nating maging malinis. Kailangan malinis ka sa sarili mo, proper hygiene. Hindi pwedeng lumabas, baka makakuha ng virus, lalo na ang mga bata at matatanda. So alam nila ang nangyayari. Kaya hindi na sila nagpu-push na, ‘Mama, lalabas ako.’ Hindi naman matitigas ang ulo ng mga anak ko, talagang sumusunod sila. Thank God,” pagbabahagi ni Melai.

Magtatatlong buwang nang ipinatutupad sa buong Luzon ang community quarantine. Gumagawa umano ng paraan ang Magandang Buhay host ng mga paraan upang hindi mainip sina Mela at Stella sa loob ng bahay. “Ang ginagawa nilang activities, naglalaro sila sa bahay. Hide and seek, naglalaro sila ng lola nila. Minsan nagdo-drawing sila. Meron lang silang oras sa panonood ng TV. Hindi pwedeng mag-watch sa cellphone. Kailangan TV para nakikita ko kung ano ang pinapanood nila and malaman ko kaagad. Gumagawa sila ng mga pancake. Talagang sinusuportahan ko sila sa mga gusto nilang gawin. May swimming, wala naman kaming pool, sa palanggana, para na rin silang nalabhan sa palanggana. Sinusuportahan ko sila sa gusto nilang mga food kahit talagang mahirap. ‘Yung mga french fries, talagang ‘yung mga patatas dito sa bahay ginagawa kong French fries na pangma­yaman. Ginagawa ko ang best ko, naa-appreciate naman nila,” nakangi­ting kwento ng aktres.

Jane, naunsyami ang mga pangarap sa pagsasara ng ABS-CBN

Isa si Jane De Leon sa mga artistang labis na nalungkot nang magsara ang ABS-CBN mahigit isang buwan na ang nakalilipas. Bilang baguhan pa lamang sa industriya ay nanghihinayang ang dalaga sa mga oportunidad na ibinibigay ng Kapamilya network. “Sobrang nalungkot po ako. I also felt sad to those working in ABS-CBN, who are dependent of their family’s needs sa company. Kasi ‘yon lang ang kanilang source of income. And of course naisip ko rin ‘yung kapwa ko artists, mga baguhan na nag-uumpisa pa lang buuin ang kanilang mga pangarap sa buhay kagaya ko po,” pahayag ni Jane.

Habang naghihintay na muling magbukas ang ABS-CBN ay puspusan pa ring pinaghahandaan ng aktres ang pelikulang Darna. Matatandaang si Jane ang napiling gumanap ng Star Cinema bilang pinakabagong Darna. “My plan is just to continue doing what is required of me by the management and Darna production. I’ve been regularly doing workout po while on quarantine,” pagtatapat ng dalaga.

Inaasahang ipagpapatuloy na ang shooting ng pelikula kapag nagbalik na sa operasyon ang Star Cinema.  (Reports from JCC)

MELASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with