^

PSN Showbiz

Carlo Katigbak papasa na raw pulitiko, dinetalye kung paano nakuha uli ang ABS-CBN

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carlo Katigbak papasa na raw pulitiko, dinetalye kung paano nakuha uli ang ABS-CBN
Carlo Katigbak

Kalmadong-kalmado pa rin si Mr. Carlo Katigbak kahapon nang isa-isahin niyang sagutin mga isyung inungkat ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta noong unang hearing nito last week. Actually pinupuri nga siya at sinasabing puwede na siyang pulitiko sa pagiging composed, intellectual and eloquent sa kabila ng matinding kinakaharap ng kanilang network.

Pinabulaanan nga niya ang mga alegasyon kaugnay sa 50 taong limitasyon sa prangkisa, citizenship ng chairman emeritus nito, pag-isyu ng Philippine Deposit Receipts (PDRs), at agarang pagbabalik ng kumpanya sa mga Lopez nito kahapon sa House of Representatives.

Ipinahayag ng ABS-CBN president at CEO na ang 50 taong limit na nakasaad sa Article 12, Section 11 ng Saligang Batas ay para sa bawat prangkisang binibigay ng Kongreso. “Na bawat prangkisang ibinibigay ng Kongreso ay hindi pwedeng lumampas ng 50 years. Pero wala naman pong sinasabi na ang buhay ng isang kumpanya ay may limitasyon na 50 years. Pwede naman pong bigyan ng panibagong prangkisa,” pagbabahagi niya sa ikalawang araw ng pagdinig ng Kamara tungkol sa franchise renewal ng kumpanya kasabay ng pag-uumpisa ng general community quarantine. 

Itinanggi rin uli niya ang paratang na hindi Pilipino ang nagmamay-ari sa ABS-CBN at chairman emeritus nito na si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Binigyang-linaw din ni Mr. Katigbak ang isyung binabato sa kumpanya at sinabing kailanman ay hindi nawala sa mga Lopez ang pagmamay-ari sa ABS-CBN, kahit pa noong panahon ng Martial Law kung kailan sapilitan itong pinasara ng gobyerno.

Idinetalye rin niya ang naging pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez. “Ang PCGG mismo ang umaksyon na ibalik sa mga may-ari ang Channel 2 noong June 1986.  Noong January 1987, nagkaroon ng agreement ang gobyerno at ABS-CBN na isaayos ang pagbalik ng mga iba pang facilities ng ABS-CBN na patuloy pang ginagamit ng goberyno.  Itong agreement ay may basbas ng Korte Suprema noong 1989.”

Ibinahagi rin niya na ayon sa kasunduan, ibinalik ng PTV 4 ang iba pang pasilidad ng ABS-CBN noong 1992, anim na taon matapos ang EDSA Revolution.

Sinagot din niya ay ang sinasabing labag sa batas na pagbebenta ng PDRs sa mga banyaga. “Ang PDR po ay hindi katumbas ng pag-aari sa ABS-CBN,” paglilinaw niya.

Binigyan-diin rin niya na aprubado ng Securities and Exchange Commission ang mga PDR.

Sinimulan ng House of Representatives ang pagdinig sa renewal ng 25-year franchise ng ABS-CBN matapos nitong magdesisyong bawiin ang House Bill No. 6732, na magkakaloob sana ng ABS-CBN ng provisional franchise para magpatuloy ng operasyon hanggang Oktubre 31.

Tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN noong Mayo 5 alinsunod sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Ang malungkot lang, sa June 5 na ang last session ng Congress bago ang break nito.

Kaya naman todo-todo ang dasal ng mga artista ng network na matinding naapektuhan ng pagsasara ng network.

 

 

 

CARLO KATIGBAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with