^

PSN Showbiz

Glam team ng mga artista, laglag sa new normal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natawa ako sa balita ni Nelson Canlas sa 24 Oras tungkol sa magiging bagong kalakaran sa taping ngayong new normal na. Iyong hindi na puwedeng maraming tao sa set, kaya hindi na puwedeng dalhin ng mga pa-star na talent ang glam team nila. Hah hah, ito kasi ang isa sa perks ng mga pa-star kung minsan, may makeup artist, hairstylist, stylist, mga assistant nila, PA, alalay, at minsan meron pang fans na isinasama sa set.

Now na bawas na ang mga tao, matututo na sila ng mga unang practice noon na walang kasamang alalay ang mga artista, sila ang mismong magdadala ng damit nila at kung minsan ay naka-makeup na darating sa set.

Hindi kasi gaya ngayon na sobrang spoiled sila sa dala nilang tao, mas lumalaki tuloy ang cost of production.

Now, hindi na puwede ang ganoon, so ‘yung mga maaarte, sorry na lang.

Back to basic na, hindi na puwede ang diva, o di bah!!!

Iya adjusted na sa WFH

Talagang work from home ang dating ni Iya Villania-Arellano sa kanyang 24 Oras chores, Salve.

Nakakatuwa kasi kung minsan makikita mo ‘yung paglalaro ng anak nila ni Drew Arellano sa background.

Ang bongga dahil buntis na si Iya sa ika-3rd baby nila ni Drew, pero tuloy lang ang trabaho niya sa showbiz portion ng 24 Oras.

Every night sa GMA, Monday to Sunday, pag gusto n’yo ng news, watch n’yo sina Jessica Soho, Vicky Morales at Atom Araullo, plus si Iya with Lhar Santiago and Nelson Canlas.

Mga negosyante malaki ang problema

Hindi pa rin pala papayagan ang public transpo maliban sa MRT o LRT kahit maging general community quarantine na.

Paano naman papasok ang mga common trabahador na walang sariling sasakyan?

Dapat talaga provided sila ng shuttle ng employer nila, pero siguro ang makakapag-provide lang nito ay ‘yung mga malalaking business, dahil sure ako na hindi naman kakayanin ang additional cost na ito ng mga micro.

Both mawawalan, ang mga empleyado hindi puwedeng pumasok, ang mga employer naman ay hindi kakayanin ang gastos.

Ang laki talaga ng problema ng mga negosyo ngayon, kaya nga wait and see ang lahat.

Talagang darami ang jobless, sana makaisip sila ng mga small business na puwedeng gawin para kumita.

Isip-isip talaga.

NELSON CANLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with