^

PSN Showbiz

Biro ni Roque: ABS-CBN nawalan ng prangkisa dahil sa 'Wowowin'

James Relativo - Philstar.com
Biro ni Roque: ABS-CBN nawalan ng prangkisa dahil sa 'Wowowin'
Makikitang nagbibiruan sina presidential spokesperson Harry Roque (kaliwa) at Willie Revillame (kanan) sa litratong ito
Video grab mula sa Youtube channel ng "Wowowin"

MANILA, Philippines — Hindi napigilang pagkatuwaan ni presidential spokesperson Harry Roque ang sitwasyong pamprangkisa ng ABS-CBN habang guest sa palatuntunan ng karibal na GMA-7, Miyerkules.

Nagbibiruan kasi sina Roque at komedyanteng si Willie Revillame tungkol sa pananatiling "live" ng "Wowowin" habang inuulit-ulit na lang ang mga lumang programa dahil may lockdown.

Maliban sa nasabing show, tanging mga newscasts na lang kasi ang live sa ere habang naantala naman ang mga taping dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

"At first time po, sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa," sabi ni Roque sa television host.

"Alam mo, duda ko, kaya 'yung isa nawalan ng prangkisa [dahil] ikaw ang may kagagawan niyan eh. Oh, aminin! Aminin!"

 

 

Tinutukoy ni Roque ang Kapamilya network, na ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) noong ika-5 ng Mayo matapos mag-expire ang kanilang prangkisa.

Hindi kasi inaksyunan ng Kamara ang mahigit isang dosenang franchise renewal bills ng network na nakabinbin sa Konggreso.

Willie kumambyo sa biro 

Dumistansya naman si Willie sa "joke time" ni Roque, lalo na't nagsimula ang aktor at TV host sa Channel 2.

"[M]alaki rin po ang utang na loob ko sa istasyon na 'yon. Dahil din doon po ako nagsimula, doon ako nakilala. Nasa puso ko pa rin po 'yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino, nandiyan," sabi ni Revillame.

"[Secretary Roque], huwag mo akong idamay... Nananahimik [ako]."

Bago mapunta sa GMA-7, si Willie ay dating host ng "Wowowee" sa ABS-CBN, hanggang sa lumipat sa "Wil Time Bigtime" ng TV5.

Naimbitahan si Roque sa "Wowowin" ngayong araw para ipaliwanag sa mas magaang paraan ang ilang seryosong isyu kaugnay ng COVID-19 at mga nangyayaring lockdown dahil sa virus.

"Kaya nga sabi ko, 'Siguro kailangan magpunta rin ako rito dahil kinakailangan naman, magkaroon ng kaonting kaligayahan 'yung tao'," wika niya.

"'Pag nakikita nila ako sa telebisyon, panay problema sa COVID."

Iringan ng ABS-CBN at Palasyo

Tagapagsalita si Roque ni Pangulong Rodrigo Duterte, na dati nang nagsabi na haharangan niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi kasi naiere ng Dos ang ilang political ads ni Digong noong 2016, bagay na lubos ikinagalit ng pangulo.

"Now, ABS-CBN, their franchise is due for renewal... But I will never also intervene. But if I had my way, I will not give it back to you," sabi ni Digong noong 2018.

Humingi na ng tawad dito si ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, dahilan para patawarin na sila ng pangulo.

vuukle comment

ABS-CBN

HARRY ROQUE

LEGISLATIVE FRANCHISE

WILLIE REVILLAME

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with