^

PSN Showbiz

Beteranang aktres na si Rustica Carpio, kailangan ng tulong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Beteranang aktres na si Rustica Carpio, kailangan ng tulong
Rustica

Nakakalungkot kapag nakakasagap ka ng mga ‘di magandang balita tungkol sa ating mga senior star.

Kamakailan lang ay nabahala rin ang ilang malapit sa kilalang cinematographer na si Romy Vitug dahil may sakit ito.

Nang kumustahin nila ito kahapon, okay na raw ang kalagayan niya.

Pero may dagdag na namang bad news tungkol naman sa respetadong aktres, dean at professor ng PUP na si Rustica Carpio.

Nilinaw naman ng ilang taong malapit sa kanya na medyo matagal na raw siya sa Capitol Medical Center.

Ang latest na nabalitaan namin sa aming ka-PEP Troika na si Noel Ferrer, mahina na raw ang likod ng veteran actress at may Pneumonia raw siya.

Humihingi raw ng tulong ang pamilya ni Ma’am Rustica na mas kilalang si Aling Puring sa mga malalapit niyang kaibigan.

Sa mga gustong tumulong, puwede raw ipadala sa account ni Raniella Michelle Tibayan sa Union Bank. Ang account number nito ay 109653904435.

Classroom ni Kim, more than 2-m na ang pumasok

Tuwang-tuwa ang singer/songwriter na si Adrian Crisanto nang pumayag si Kim Chiu na i-record ang ginawa niyang kantang Bawal Lumabas (The Classroom song) base sa statement ng Kapamilya actress sa Laban Kapamilya FB event.

Pinaglaruan na ito nang husto, na-bash nang bonggang-bongga at pinakinabangan ng ilang netizens para makaipon ng maraming followers at likes sa ginagawa nilang Bawal Lumabas parody sa TIktok.

Nang makapanayam namin si Adrian sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, sinabi niyang hindi niya ito ginamit sa Tiktok o sa ano mang social media account niya.

Pinag-aralan daw niya ang pahayag na iyun ni Kim at naisipan niyang gawan ng kanta. “Hindi ko talaga naintindihan. Kasi sabi ko nga confusing naman yung statement ni Kim Chiu. Pero at the same time, I don’t get why the people are bashing her.

“Hindi naman natin naintindihan eh. Kaya anong sense bakit natin siya binaba-bash? Parang ganun po yung sa akin eh,” pahayag ni Adrian.

Kaya gumawa raw siya ng open letter para kay Kim na ipinost sa kanyang Facebook account. Ang laki ng tuwa niya nang tinawagan siya ni Jonathan Manalo ng Star Records para sabihing pumayag daw si Kim na i-record ang naturang kanta.

Kasama niya si DJ Squammy na nabuo ang kanta at nakipag-meeting daw sila via Zoom kay Kim.  “Nung time na yun, nakakatuwa nga kasi napaka-radiant niya. Sobrang starstruck nga talaga ako, kasi feeling ko sobrang good vibes na niya noon,” pakli nito. Natuloy ang recording at maganda ang feedback sa You Tube na kaagad nag-trending ito. Nung in-upload ito ni Kim sa kanyang You tube channel noong nakaraang Lunes, May 18, ang taas agad ng views.

Ngayon ay mahigit 2-M views na ito sa You Tube. May mga nagawa nang kanta noon si Adrian na isinasama sa albums ng ilang ar­tists, pero ito lang ang kanta niyang nag-hit. Ang gusto lang nila ay maging positibo ang mensahe ng kanta at magbigay inspiras­yon sa lahat. At sa ilang mga nagni-nega nito at nagba-bash pa rin kay Kim, hindi raw sila welcome sa kanilang classroom.  “Sa mga classmates po, I push po natin ang 2.2-M na views to inspire more people.  “At sa mga bashers po, hindi po kayo kasama sa attendance. Huwag na po kayo pumasok sa class,” napangi­ting pahayag ni Adrian nung nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules.

RUSTICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with