Katigbak nagsalita sa lugi
Grabe. P30 to 35 million pala ang nalulugi sa ABS-CBN sa araw-araw nitong hindi pag-ere.
Halimbawa na lang, P30 million a day, since May 5, until May 20, P450 million na ang nawala sa kanila.
Kaya naman ayon sa kanilang President at Chief Executive Officer Carlo Katigbak, kung hindi sila makakabalik sa ere, mag-uumpisa na sila sa August magtanggal ng mga trabahador. “If this severe financial hemorrhage is not stopped, ABS-CBN may be constrained to eventually let go of workers, reduce salaries and benefits, and substantially cut down on costs and expenses,” sabi ng presidente ng kumpanya.
But as of presstime kahapon, sinabi na ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi na itutuloy ang provisional franchise hearings sa halip ay itutuloy na ang hearing para sa 25 year renewal application ng ABS-CBN franchise.
So ano na kaya ang mangyayari?
Classroom ni Kim, naging lemonade
Sabi nga, ‘When life gives you lemons, make lemonade ang sell for a profit.’
Ito ang naging kapalaran ng ‘law of classroom’ ni Kim Chiu.
Matapos mag-feeling low na mas mababa pa raw sa basement parking, ayun, nabuhayan ng loob si Kim.
Sa kanyang YouTube chikahan ay ok na siya. “Yes, I am back, your teacher sa classroom, charot! Eme (kiyeme) lang,” na the usual Kim na ang tono.
“Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened, siyempre, maraming mga taong perfect, ay hindi, charot! Echos lang! Pero aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone sa inyo, I was really down the past few days as in, super-down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot,” sabi niyang panay ang tawa.
Talaga raw lumayo muna siya sa social media at hindi niya hinawakan ng kung ilang araw ang kanyang cellphone. Pero inulit niyang kung pinagtawanan siya dahil sa kanyang sinabi, hindi rin naman din daw talaga naintindihan ‘kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko nun’g pag ako ‘yung pinagde-debate nila,” biro pa niya.
Nakasama niya sa nasabing kuwentuhan ang dalawang netizen na talaga raw nakatulong sa kanya emotionally, si Adrian na isang marketing person at si DJ Squammy na gumawa ng iba’t ibang videos niya gamit ang classroom statement niya na nag-viral.
Ngayon nga ay isang buong kanta na ito at may 1.3 million views na in less than 24 hours.
At ang chikahan vlog niya, 1 million views na.
Ang ending trending uli si Kim : “Things may put you down pero tayong mga pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sakin. Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!!!!”
- Latest