Gwen at asawang basketbolista, abala sa pagtatanim
Curious ako sa lifestyle nila Gwen Zamora at David Semerad. Vacation house ba nila iyong naka-post o talagang doon sila nakatira? Pero ‘yun nga, sabi ni Salve doon lang inabot ng lockdown sila Gwen at David sa kanilang farm.
Amazing dahil parang ang simple ng buhay nila, nasa gitna ng farm ang bahay, marami silang fruit bearing trees at mga kawayan ang furnitures. Mukhang modified bahay kubo ang dating ng house at doon sa content ng IG ni Gwen ay parang nagpa-farming silang dalawa ng asawa.
Ang ganda naman ng simple living nila, at iyon parang ang happy-happy nilang tatlo ng anak nila.
Wow, nakakainggit para magkaroon ng ganoong buhay na walang stress. Both of them are lucky. Congrats to the both of you.
Take It... hindi pa agad mapapanood
Itatanong ko kay Salve kung puwede na ba kaming mag-Take It Per Minute Me Ganon ngayon since parang medyo relax na ang lockdown.
Kaya lang ano naman pag-uusapan namin nila Cristy Fermin at Mr. Fu eh may shutdown din ang showbiz. Walang taping, walang shooting, walang presscon. Wala, as in wala. Hindi rin masarap magtawanan sa ganitong sitwasyon, parang hirap kang ngumiti man lang knowing na maraming nagsa-suffer these days. Hay naku, matagal-tagal pa rin siguro bago mabalik iyong mga biruan namin at tawanan sa TIPM dahil kay corona na ayaw pang tigilan ang virus niya. (Yes po baka matagalan pa. Pag may vaccine na. :) :) - Salve)
ABS-CBN baka raw sa June pa umere!?
O ayan, at least binigyan na ng provisional permit to operate hanggang October 31, 2020 ang ABS CBN.
Sabi ko nga maghintay lang, after that magkakaroon na uli ng hearing sa lahat ng mga bagay na dapat pag-usapan tungkol sa renewal. Doon puwede nang ibigay at ipakita ng mga lawyer ng Channel 2 ang mga requirement para tuluyan nang ma-renew ang franchise nila.
Sabi ko nga patience is a virtue, hintayin natin at paniwalaan ang batas.
Para saan pa na merong demokrasya kung hindi tayo maghihintay.
So watch na uli tayo ng mga shows ng Channel 2 pero ang sabi baka raw sa June pa.

- Latest