^

PSN Showbiz

Mga taga-GMA nakikisimpatya rin sa nangyari sa kalaban

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga taga-GMA nakikisimpatya rin sa nangyari sa kalaban
News and Public Affairs
STAR/ File

To be fair Salve, kahit ang mga taga-GMA 7 ay very sad din sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN. Kasi magkakapatid tayong lahat sa propesyon, mayroong tie that binds ang bawat isa kahit magkalaban ang mga istasyon.

Lalo na iyon mga taga-News and Public Affairs, parang isang gang iyan na merong respeto sa bawat member nila. Mapi-feel mo iyong camaraderie nila pag magkakasama, iyon biruan nila at sila-sila may mga idol din sa mga nakakasama nila. Kaya nga gustung-gusto kong panoorin pareho ang TV Patrol at 24 Oras. Alam mo na parehonug fair at honest ang kanilang pagbabalita, iba lang ang mga anchor ng bawat programa, pero iyon content nila, walang fake news.

They feel the pain of each one, kaya nga natuwa rin ang 24 Oras team nang mag-air uli ang TV Patrol. Bongga. Palipat lipat uli ako ng channel, hahaha!

Coco naawa lang siguro sa mga nawalan ng trabaho

Nagtataka ako kung bakit ang daming nagagalit kay Coco Martin. Nagsalita siya ng nadarama niya, iyong awa niya sa 11K na taong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Naawa rin siguro si Coco sa ilang libong drivers, no work no pay na jobless ngayon, pati na ang libu-libong OFW na umuwi na tiyak na madaragdag sa listahan ng mga walang trabaho.

Sa sobra sigurong awa ni Coco hindi niya napigilan ang sarili sa pagsasalita ng masakit. Para rin kasi iyang pinaalis ka sa tinitirhan mong bahay, tapos biglang mawawala.

Pero siguro ngayon nakita na ni Coco na hindi naman totally nawala, gaya ng TV Patrol na hayan at mapapanood na naman , medyo mahihimasmasan ng konti ang galit niya.

Relax Coco, huwag padala sa galit. Tingnan natin mabuti bakit nangyari at bakit umabot sa ganito. Saka tayo maghusga. Demokrasya ngayon, meron batas, iyon ang paniwalaan natin.

24 ORAS

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with