^

PSN Showbiz

Arnell inurirat sa franchise

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arnell inurirat sa franchise
Arnell Ignacio
STAR/ File

Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Coco Martin sa pagsasara ng ABS-CBN.

Bukod sa mga ipinu-post niya sa kanyang Instagram account, nagsalita siya nung Biyernes ng gabi sa FB account ni Kim Chiu na kung saan nagsilbing moderators sina Kuya Boy Abunda at Bianca Gonzalez-Intal.

Ilan pa sa mga kasama sa balitaktakan ay sina Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Bela Padilla, John Prats at marami pa.

May kanya-kanya silang opinyon na ipinahayag kaugnay sa kampanya nilang Laban, Kapamilya.

Kaya ito ang mainit na pinag-usapan, at nag-trending ang Kapamilya Primetime King. Ang daming nag-post ng matinding pahayag na iyun ni Coco sa kanilang social media account, na hanggang sa Tiktok pinaglalaruan.

Samantala, iba naman ang pananaw ni Vice Ganda sa mainit na isyung ito. Wala siya sa FB live na pag-uusapan, pero meron siyang tweet at ipinaliwanag niya kung paano siya makipaglaban sa pinagdadaanan nilang ito.

Ang saya ng mga pinagsamahan natin. Ang sarap balikan. Ang saklap din na maging bahagi na lang sya ng nakaraan. Kaya’t ating ipinagdadasal na maituwid ang mga pagkakamali ng sa ganun ay wag maputol ang saya at serbisyo na kailangan natin upang makaraos sa mga ganitong panahon.”

Nung Biyernes ng gabi rin ay sandaling nakausap namin si Arnell Ignacio sa programa namin sa DZRH at iba rin ang pinupunto niya.

Usapang legal daw kasi ito, at dapat iyung mas nakakaintindi sa isyu ng franchise renewal ang magsalita. Ani Arnell; Kapag merong mga issues na ang mga tanong at sagutan  na dapat ay legal, dapat ang mga mag-participate lalo na ang mga artista, aralin nila. Kasi minsan pinagsususpetsahan na ang mga artista na mahina ang ulo, eh nakukumpirma pa tuloy eh.  Ang targetin nyo, yung mga congressmen. Hindi nila dininig yan eh.  Kung dininig nila yan agad, nabigay ang prangkisa o kaya hindi, eh di walang problema, di ba? Ang simple eh.

Kunyari ang DZRH, walang prangkisa puwede ba tayong mag-usap dito, di ba hindi rin?  Sasabihin mo ba paano ang mga empleyado mawawalan ng trabaho, puwede bang argumento yun,” dagdag niyang pahayag.

Hindi si Coco ang tinutukoy niya, kundi pangkalahatan na sana raw inaral muna ang buong kaso, ang legalidad nito bago magsalita. Kaya pati sa FB live niya nung gabing iyun ay iyun pa rin ang tinatanong sa kanya.

ABS-CBN

ARNELL IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with