^

PSN Showbiz

Direk Peque Gallaga, namaalam na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Peque Gallaga, namaalam na!
Direk Peque Gallaga

Complications sa gamot sa puso

MANILA, Philippines — Sayang, hindi na inabutan ni Direk Peque Gallaga ang showing ng pinaka-huling obra niya, ang Magik Land na ilang taon na niyang binubuno.

Milyon-milyon ang ginastos sa pelikula na tungkol sa isang video game for iPhone na inspired sa Pokemon. Ang kuwento : ang attraction ng game sa gamers ay ang makakuha ng highest points para ma-save ang Magik Land mula sa evil dictator.

At nang magkita-kita ang apat na winners, dinala sila sa Magikland, na siyang mortal danger. Bida sa pelikula si Miggs Cuaderno.

Kahapon ay namatay na nga si Direk Peque sa edad na 76.

Ang batikang direktor ang nasa likod ng highly-acclaimed movie na Oro, Plata, Mata na pinagbidahan nina Joel Torre and Cherie Gil. Hinangaan din siya sa mga pelikulang Scorpio Nights and Magic Temple at marami pang iba.

Sa kanyang hometown, Negros, namatay ang award winning director, sa Riverside Medical Center.

Agad namang nag-post ng pakikiramay at kalungkutan sina Judy Ann Santos at Anne Curtis. “My dearest direk Peque… I will forever be grateful for the chance na nakatrabaho kita.. your passion for you craft is undeniable in so many ways.. your wisdom in many things, your honesty, professionalism, genuine love and kindness to everyone around you , your hugs and laughter i will miss the most.. thank you for allowing me to know you personally.. you and Direk Lore and Ate Jo will forever have a special place in my heart.. you added more color and texture in my career… maraming maraming salamat sa lahat direk Peque Gallaga… #rip.”

Si Anne ay : “I will forever be grateful to him and Direk Lore for choosing me to be their Princess Dahlia in Magic Kingdom.. it breaks my heart knowing that he won’t get to meet my own little Dahlia. Direk Peque, thank you for giving me a role that would change my life forever. I will miss you and will treasure the memories and lessons you taught me in the craft of acting. Rest In Peace. I love you. My deepest condolences to the GallagaFamily,” malungkot na post ni Anne na sa pelikulang Magic Kingdom unang napansin kaya ipinangalan pa nga sa anak niya ang character niya sa pelikula.

Ayon kay Direk Lore Reyes na madalas niyang ka-tandem sa pagdi-direk “Cause of death is Complications from all the heart meds he’s been taking since 1984,” banggit nito sa interview sa kanya ni Jun Lalin.

Definitely ay hindi diumano covid-19 ang cause of death ng mahusay na direktor.

By the way, si former Congressman Albee Benitez ang producer ng pelikulang Magik Land na kick off sana sa mala-Disneyland na theme park na siya rin ang may-ari.

Ayon mismo sa dating politician turned movie producer, more than P100 million na ang nagagastos nila sa Magic Land dahil sa heavy computer graphics ng pelikula.

Coco walang habas ang paglalabas ng galit

Kasing init ng panahon ang mga post ni Coco Martin sa kanyang Instagram account in capital letter ha.

Unang post niya ay tungkol sa batang wagas ang iyak dahil wala na raw siyang napapanood sa TV.

Hindi talaga nagpipigil ang aktor sa mga ginagamit niyang words ha. “Tama na wag kana umiyak babalik kami sadyang may mga Demo--- lang talaga na tao ngayon na gusto tanggalan ng kaligayanhan ang mga tao at ng hanap buhay na pinagkukunan ng kanilang kakainin sa araw araw! Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!!! Baka pag balik namin sasabihin ng mga Bushers namin miss na miss nyo kami at makikipila kayo sa showtime para manood ng live at sumali sa contest. try nyo manood ng probinsyano sisipain ko muka nyo!!! wag kana mag comment dahil diko babasahin mag sasayang kalang ng piso pang yusi muna yan!!!.

Pangalawang post niya ay patungkol sa trolls and bashers. Mas mainit at wala na siyang pakialam.

May ilang nagduda na baka naman hindi siya ‘yun. Pero verified ang account, so hindi puwedeng na-hack.

“Ngayon ko lang naramdaman ang sarap pala ng pakiramdam yung nalalabas mo yung nasa loob mo ‘yung wala kang kinatatakutan at pinangingilagan kaya pala masayang-masaya yung mga bashers and trolls sa ginagawa nila e! KC tayong mga artista walang magawa kapag nilati nila kapag kinutya nila di tayo lumaban wala na tayo dapat   katakutan!!! Sila gustong gusto nila basahin kung ano ang mga post natin ngayon ang pagkakataon para makaganti tayo awayin natin sila at wag basahin ang mga comments nila hayaan natin sila mag comments para mag mukha silang tanga!!!! Sa lahat ng bashers namin libre lait walang magbabasa,” na naka-capital letter at walang period.

Parang ang tagal inipon ni Cardo Dalisay (character niya sa Ang Probinsyano) ang galit at inis sa bashers.

Pero ni-remind ang actor ng iba niyang followers na maging careful sa mga ginagamit sa salita dahil dahil marami siyang endorsement na ang target ay family at bawal ang bad image.

Marami rin namang gets ang nararamdamang galit ni Coco lalo na nga at marami nang naghahanap sa Ang Probinsyano na hindi natitinag sa pagiging no. 1 primetime at natigil lang nang magkaroon ng covid-19 pandemic at ipatupad ang enhanced community quarantine.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakaalam kung kailan uli puwedeng mag-taping ang kanyang serye na bukod sa ECQ at GCQ after May 15, hindi pa rin naayos ang franchise ng ABS-CBN kaya kasaluyan itong naka-off the air except sa ANC, iWant, Star Cinema at lahat ng digital platfoms.

Sa social media muna nagaganap ang mga protesta sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN dahil bawal ang mass gathering sa kasalukuyan.

GMA nilinaw ang isyu ng kanilang franchise

Nilinaw ng GMA Network, Inc. ang usapin tungkol sa prangkisa nito matapos itong maiugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kapwa broadcast network na ABS-CBN.

Ayon sa statement ng GMA 7, noong April 21, 2017 – 22 araw bago mag-expire ang orihinal na prangkisa ng Network (May 12, 2017) – nilagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 109250  0 “0 An Act Renewing For Another Twenty-Five (25) Years The Franchise Granted To Republic Broadcasting System, Inc., Presently Known As GMA Network, Inc., Amending For The Purpose Republic Act No. 7252, Entitled An Act Granting The Republic Broadcasting System, Inc. a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Stations in the Philippines.”

Klinaro ng GMA na walang katotohanan ang mga ulat na nagsasabing patuloy itong nag-operate kahit nag-expire na ang franchise nito noon.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

DIREK PEQUE GALLAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with