^

PSN Showbiz

Alessandra nag-a-apply na yaya ng anak ni Assunta for P150K

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alessandra nag-a-apply na yaya ng anak ni Assunta for P150K
Assunta

“Pls po. Naghahanap po ng work. Mag-apply nalang akong yaya sa mga ledesma, keri na 150k/m. Mabait, malinis, mabango, good with kids and all kinds of people/dogs. Perfect storyteller for a baby with song and dance number. Can change diaperz. Please have mercy and reply asap. Thank you,” patawang comment ni Alessandra de Rossi matapos magpasalamat ang kanyang ate Assunta sa mga nag-congratulate sa announcement na preggy na siya finally after 18 years of marriage sa former politician na si Jules Ledesma. “Wide awake. This has been my life even before quarantine started— just being in bed all day, feeling horrible. And before anyone asks why I look like I’m on my way to the afterlife, allow me to list down all the symptoms I’ve had to endure this past 2 months: Fatigue, Nausea, Tender, swollen breasts, Food aversions, Constipation, Dizziness and Heartburn.

“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle! Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight. Everything I eat goes to my tummy and ( . )( . ),” ang kumpletong post ni Assunta na matagal hinintay na magka-baby sa mister na haciendero sa Negros.

Payo ni Alden ‘We should treat everyone as a carrier for safety’

Matapos ang kanyang unang Instagram live session para sa fans noong April 29, muling nagkaroon ng IG live ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards noong Linggo, May 3, kasama ang kanyang spiritual adviser na si Father Jeff. Sa kanilang kwentuhan, binahagi ni Alden kung paano niya sinisigurado ang kanyang kaligtasan tuwing lumalabas para mag-grocery. Ayon sa Kapuso star, palagi siyang nagsusuot ng face mask at gloves. Dagdag na payo pa ni Alden sa lahat, “Ito rin advise ko sa lahat ng runners at lahat ng lumalabas, we should treat everyone as a carrier for safety. I-treat natin as lahat positive para ‘yung alert level natin laging mataas.”

Nagpaalala rin si Alden ng tamang paglilinis ng katawan para masigurong ligtas at maprotektahan ang kanyang sarili at kanyang pamilya sa virus, “Kapag lumalabas ako, ‘yung damit na sinuot ko, sa garahe pa lang doon ko na siya huhubarin. Hindi ko ipapasok ‘yung sapatos sa loob ng bahay. Maghuhugas ako ng kamay, pagkapasok [ng bahay] maligo.”

Hinikayat din niya ang lahat ng maging consi­derate at maingat para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Aniya, “Mahirap i-risk especially kapag tinamaan ng COVID-19 ang ages 60 and above medyo sila ‘yung napupunta sa severe cases. So dapat ingatan natin sila, that’s how I care for my loved ones, dapat ganoon din ang lahat ng mga nagiging runners at lumalabas. Isipin niyo ‘yung mga taong puwedeng mahirapan kapag nagkasakit kayo. So take care of yourself first.”

ALDEN RICHARD

ALESSANDRA DE ROSSI

ASSUNTA DE ROSSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with