^

PSN Showbiz

Sikat na singer/actress paulit-ulit ang ECQ outfit, walang nabitbit na damit nang lumayas sa bahay!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Lalong ang daming naawa sa kilalang singer/actress na ito nang nalaman ng ilang malalapit na kaibigan na hindi nito nadala ang mga iba pa niyang gamit, lalo na ang mga damit nito nang sumama na siya sa kanyang karelasyon.

Hindi ko lang alam kung okay na sila ng kanyang pamilya, pero marami na ang nakapansin na laging naka-T-shirt lang siya, wala raw siyang naisusuot na maayos-ayos na damit dahil naiwan pala ito sa kanilang bahay.

Maaring nakapamili na siya ng ilang damit, pero kung iyung isusuot sa mga show, wala pa raw talaga.

Naka-Enhanced Community Quarantine lang tayo ngayon at wala pang mga live shows, kaya nasa bahay lang at hindi naman kailangan magbihis nang maayos.

Pero ang tanong ng ilang taong malapit dito kay singer/actress, makukuha pa raw kaya niya ang mga damit at gamit niya sa kanyang tahanan?

Komedyanteng si Babajie nakaratay pa rin sa San Lazaro

Nalilito na ang ilang taga-GMA lalo na ang mga taga-Bubble Gang sa tunay na kalagayan ng komedyanteng si Babajie.

I’m sure kilala ng mga laging nakatutok sa mga comedy shows itong si Babajie na parang alalay ni Diego Llorico ng Bubble Gang.

Nung napabalita ang pagpanaw ng indie director na si G.A. Villafuerte nung nakaraang April 29, sumunod na pumutok na balita na pumanaw na rin daw itong komedyanteng si Babajie.

Lumabas sa Facebook na ipinost ng ilang movie reporters, pero ilang sandali ang, binawi rin. Buhay pa raw pala.

Pero kinabukasan ay may nagsabi ring namatay na raw talaga na kinumpirma ni Diego mismo. Pero hindi rin pala totoo.

Nakausap ng ka-PEP Troika naming si Jerry Olea ang ina nitong si Babajie na si Minda Cornejo, kinumpirma niyang buhay pa ang kanyang anak at nasa San Lazaro hospital daw ito.

Hindi lang masabi kung ano ang karamdaman dahil hinihintay pa raw ang resulta ng test. Mahinang-mahina daw ito at hindi na nga raw halos maimulat ang mata, kaya itinakbo na nila sa isang hospital sa Pasay. Pero hindi tinanggap ng dalawang hospital na pinuntahan nila, hanggang sa nakarating sila sa San Lazaro Hospital.        

Sabi nga ng ilang taga-Bubble Gang, nalilito na raw sila dahil tatlong beses na raw napabalitang namatay na si Babajie, tatlong beses din daw siyang binuhay.

Hintayin na lang daw ang susunod na verdict. Pero nakatutok na ang ilang kaibigan nito sa showbiz at ipi­nagdasal na sana malagpasan ito ni Babajie.

Tubig na may suka, effective na pang disinfect ng gulay

May pagka-komedyante pala itong si Moira dela Torre nang napanood namin ang live streaming ng Cornerstone kasama ang magaling na chemist na si Pinky Tobiano.

Maayos na naipaliwanag ni Ms. Pinky ang tamang hygiene at kung ano ang dapat gawin na pag-iingat para maiwasan ang COVID-19. Doon nga namin nalaman na mabisang panghugas sa mga gulay na napamili sa palengke ang tubig na may halong konting suka.

Pati ang pag-disinfect sa mga gamit at sa loob ng bahay.

May suggestion si Ms. Pinky na puwedeng ilagay sa microwave ang ilang gamit gaya ng face mask para ma-disinfect ito.

May suggestion siyang pakuluan ang mga utensil para manatiling malinis ito.

Humirit ang Moira na ipapa-microwave rin daw ang mga utensil niya. Pinagtawanan siya nina Jaya at Moi Marcampo, na ipinaliwanag sa kanya na hindi puwedeng i-microwave ang mga metal.

May mga tanong siyang nakakatawa na ang simple ng hirit niyang nakakatawa.

Mabuti at naipaliwanag ito ni Ms Pinky na ini-endorse ang hand sanitizer na Viralcyde at ang pang-disinfect sa bahay na Sanivir.

Sa mga gustong malaman ang tamang pag-iingat para maiwas sa CO­VID-19, puwede nyong i-check sa Facebook page ni Chemist Pinky Tobiano.

vuukle comment

ACTRESS

BABAJIE

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with