KathNiel tuloy ang beach wedding!
Walong taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya napag-uusapan na rin ang tungkol sa kasal. Ayon sa aktres ay pangarap talaga nila ng binata ang isang beach wedding balang araw. “Pareho kami ng gusto ang wedding sa beach kasama ‘yung mga tao na naging parte o tumulong kung paano kami naging ganito ngayon.
“Maraming tao na tumulong din sa relationship namin simula noong nagsimula kami hanggang ngayon. Kaya nasasabi parati na balang araw, beach wedding tayo kasama ‘yung mga tao na ito. Tapos magse-celebrate lang kayo roon para mag-e-enjoy lang ang lahat,” pagbabahagi ni Kathryn.
Maraming mga pagsubok na sa relasyon ang nalampasan ng KathNiel. Ayon kay Daniel ay maayos at masaya ang kanilang samahan ng dalaga. “I’m just very happy na kami ay umabot sa ganito katagal. I’m just very proud of ourselves na eight years na kami ngayon. Very thankful kasi ang dami ni Kathryn na in-improve sa akin, sa sarili ko. Uulitin ko, ginawa niya akong mas mabuting tao. I am excited sa mga taon pang darating sa atin. Mahaba-haba na ang adventure nating dalawa at lagi kong pipiliin na makasama ka. That’s it, love,” mensahe ni Daniel sa kasintahan.
“Alam n’yo ang swerte-swerte namin sa isa’t isa pero feeling ko ang swerte ko kay DJ. Kasi I couldn’t ask for a better partner kasi kung paano siya, oh my God! Kapag na-witness n’yo kung paano si DJ na boyfriend. Kaya sinasabi ng iba, mayroon pa bang ibang Daniel Padilla kasi ‘yan ‘yung dapat tularan. Kasi grabe ‘yung na-set niyang standards kasi ‘yung respeto na unang sinabi niya, nandoon ‘yung respeto, nandoon ‘yung pagmamahal, nandoon ‘yung loyalty, nandoon ‘yung suporta. So he’s the best. I swear, he’s the best,” dagdag naman ni Kathryn.
Ria, naging kalmado nang magka-COVID ang magulang
Hindi naging madali para kay Ria Atayde ang pinagdaanan ng kanilang pamilya nang magkaroon ng covid-19 ang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde kamakailan.
Nang malamang positibo sa naturang respiratory disease ang mga magulang ay agad umanong umaksyon ang dalaga. “Siguro kasi student council ako, kapag may crisis, ‘Ay! Wait, what to do?’ I think immediately. Ginawa ko tinawagan ko ‘yung lolo ko, ‘yung tito ko and then after kinoordinate ko na sa barangay namin at village association para matulungan nila kami para rin alam nila, for the safety of the community and everyday update-update lang. Ang bilis ng mga pangyayari so wala rin kaming time mag-process mismo. Nalaman naming positive kailangan na nilang pumunta ng hospital. Tapos may mga nangyayari sa hospital so parang ang daming nangyayari na parang, okay, kalma lang. Kailangan kasi you are on top of everything,” kwento ni Ria.
Isang malaking pagsubok para sa aktres ang mga panahong nakikipagsapalaran ang mga magulang sa ospital habang nagpapagamot. Ngayon ay patuloy nang nagpapalakas sina Sylvia at Art sa kanilang bahay. “Siguro nakatulong din na kaming mga magkakapatid nag-stay lang sa bahay, magkakasama kami parati. Every day meron kaming movie screening, 2 o’clock may movie time. Tapos may family rosary ng 6:30 p.m. Nakatulong din ‘yon I guess and parati rin namin sila nakakausap,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest