^

PSN Showbiz

BB tinawag na manhid ang pamilya

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BB tinawag na manhid ang pamilya
BB

Buhay na buhay si BB Gandanghari sa kanyang huling Instagram post. Super fake news nga ang kumalat na isyung namatay siya.

Pero ang hindi fake news ay ang pag-amin niyang walang kuwenta ang tingin sa kanya ng pamilya niya.

Sa kanyang vlog din ay umamin siya sa nararamdamang kalungkutan sa kasalukuyan kung saan siya matagal nang nasa Amerika matapos makimpatya ang ibang followers niya.

“Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila. Kaya thank you. And thank you sa inyong lahat,” sabi pa niya na buti pa raw ang mga hindi nakakakilala na nag-aalala at napapangiti siya.

Babaeng-babae na nga ang buhay nito sa Amerika at sinabi niyang “Kung may nakapanood sa inyo doon sa Instagram, ito ‘yung pinanggagalingan bakit sumama yung loob ko before. Kasi imbis na suportahan ka as in di ka susuportahan at all. Gagamitin ka lang. Pero hindi… you know what i mean,” banggit pa niya.

Kapatid ni BB sina Robin at Rommel Padilla na tatay ni Daniel Padilla.

vuukle comment

ROMMEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with