Carmina malakas magpapawis
Habang nasa enhanced community quarantine, game na game na ipinakita ng Kapuso star at Sarap, ‘Di Ba? host na si Carmina Villarroel sa netizens ang kanyang exercise routine sa bahay. Wow talaga, hindi lang basta papawis ang kanyang ginagawa.
Ang lakas niya at walang sukuan sa HIIT (high intensity interval training).
Sa isang Instagram post, pinasilip niya ang sikreto sa kaniyang fit at sexy na katawan, “Done working out. Stay safe and healthy guys.” Hindi naging hadlang para kay Carmina ang pansamantalang pananatili muna sa bahay para pangalagaan ang kanyang figure.
Kasama ang pamilya, ang asawang si Zoren at ang kambal na sina Mavy at Cassy, sinisiguro ni Carmina na mabuti ang kalagayan niya bilang ilaw ng tahanan.
- Latest