^

PSN Showbiz

Kathniel, LizQuen at Pia eeksena sa China

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathniel, LizQuen at Pia eeksena sa China
Lizquen

Labing-anim na pelikula ng ABS-CBN ang mapapanood sa China sa pag-ere nito sa Phoenix Movie Channel sa nasabing bansa.

Maaalalang pumirma ang ABS-CBN at Phoenix Satellite Television noong 2019 para iere doon ang mga pelikulang pumatok dito sa atin.

Nauna nang ipalabas Four Sisters And A Wedding  noong Disyembre 2019, na sinundan naman ng Barcelona: A Love Untold at Love You To The Stars And Back last March.

Ngayong Mayo habang kainitan pa ang covid-19, matutunghayan sa China ang The Achy Breaky Hearts at Dear Other Self.

Nakatakda ring mapanood doon ang mga pelikulang My Perfect You na pinagbibidahan ni Gerald Anderson kasama si Pia Wurtzbach, at Can’t Help Falling In Love ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Palabas din ang My Exes and Whys nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang Always Be My Maybe at Can We Still Be Friends nina Arci Muñoz at Gerald. Mapapanoood din sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo sa pelikula nilang To Love Some Buddy.

Pagdating ng July, mapapanood din ng mga Chinese ang award-winning movies kasama na ang Everything About Her na pinagbidahan nina Vilma Santos, Angel Locsin at Xian Lim.

Sa buwan ding ito mapapanood nila ang You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga, ang Hihintayin Kita Sa Langit  (na pinamagatan na I Will Wait for You In Heaven sa international release nito), nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at Kasal na pinagbibidahan ni Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paolo Avelino.

Pagdating naman ng Nobyembre, mapapanood ang Siargao starring Jericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.

Sosyal at least kung ang Pinoy fans na naka-stay at home sa kasalukuyan dahil pa rin sa krisis sa novel coronavirus ay literal na ‘nababaliw’ sa Korean dramas, at least ang Chinese audience, obvious na naaaliw sa Pinoy films.

Hindi nagkakalayo ang kuwento ng mga Chinese dramas and Pinoy movies. Medyo marami pa ngang loopholes ang Chinese movies at malakas ang corny factor ng mga napanood kong Chinese dramas.

Anyway, maging ang Chinese movie industry ay apektadong-apektado ng covid-19 (sinasabing China ang pinagmulan ng naturang virus na more than 2.5 million na ang infected sa buong mundo; Deaths: 177,789 and Recovered: 696,891 ayon sa report ng https://www.worldometers.info.)

Ang US at China ang sinasabing pinaka-malaking market ng manonood ng pelikula base sa box office sales.

Ang dalawang higanteng bansa rin ang may pinaka-maraming kaso ng covid-19 sa around the world.

ABS-CBN

FOUR SISTERS AND A WEDDING

PHOENIX SATELLITE TELEVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with