^

PSN Showbiz

Hanabishi at Eat Bulaga, sanib-puwersa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Hanabishi at Eat Bulaga, sanib-puwersa
Vic Sotto
STAR/ File

Si “Bossing” Vic Sotto ang napiling celebrity endorser ng Hanabishi Philippines na pinagkakatiwalaang brand sa buong bansa noong nakaraang taon.

Kamakailan nga lang ay nagsanib-puwersa ang Hanabishi Philippines at ang longest-running Kapuso noontime variety show na Eat Bulaga sa pagdo-donate ng electric fans sa Pasig City Children’s Hospital (PCCH) para tulu­ngang mapagaan ang kundisyon ng mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19 sa nasabing hospital.

“Muli kaming nakipag-alyansa sa Eat Bulaga para suportahan ang ating frontliners sa panahong ito ng krisis. Dati na naming napatunayan ang tibay ng aming Dabarkads sa kanilang tulong sa paghahatid ng ginhawa sa ating mga mamamayan noon. Ngayon naman, target na maabot ng aming kali­nga ang mga taong naiipit sa pandemic na ito,” ani Cherish Ong-Chua, Hanabishi’s Vice President for Operations and Marketing.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipagtulungan ang nasabing kumpanya sa EB family sa kanilang community projects.

Dati na silang nakapag-donate ng appliances sa iba’t-ibang paaralan sa tulong ng Eat Bulaga. “Mithiin namin na makatulong sa gobyerno at sa ating pamayanan sa aming sariling kaparaanan. Naniniwala kaming kaya nating malampasan ang krisis na ito kung may pagtutulungan at pagkakaisa,” dagdag niya.

Maliban sa PCCH, nagkaloob na rin ang Hanabishi ng electric at exhaust fans sa Philippine General Hospital (PGH) .

Comedians, may covidyante!

Bumuo ng grupo ang Kapuso at Kapamilya comedians para tulungan ang mga frontliner nating itinataya ang buhay sa health crisis na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Tinatag nga nila ang Covidyante.

Ceasefire muna sa network war ang mga magagaling na komedyante ng Bubble Gang ng GMA Network at Banana Sundae ng ABS-CB para sa magandang layunin.

Pinangunahan ito nina Ogie Acasid, Janno Gibbs, Padilla brothers, Dennis at Gene, ang pagbuo ng grupo at nag-iiisip pa sila ng gagawin upang makatulong.

Kasama rin si Vhong Navarro na nag-suggest ng challenge para ipakita ang suporta sa frontliners. Kabilang naman sina Janno at Jerald Napoles sa namahala sa social media account ng grupo habang si AiAi de las Alas ang magbi-bake ng tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sectors.

Ka-join na rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Ryan Bang.

Inaasahan din ang pagsama sa Covidyante ng iba pang komedyante sa grupo na may official hashtag na #PunchlinersForFrontliners.

vuukle comment

HANABISHI

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with