Mga pasaway ‘namura’ ni Robin, abs may offer na solusyon
Napapanahon ang digital projects ng ABS-CBN sa paglunsad nito ng Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay na nagpapakita sa pinagdaraanan ng mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 outbreak, at Team FitFil na layuning palakasin ang kalasugan ng mga manonood mula sa kanilang mga tahanan.
Masasaksihan nga sa Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay ang iba’t-ibang kwento ng pagsusumikap ng mga mamamayan na lumalaban sa buhay sa kabila ng krisis na dulot COVID-19. At mapapanood ito sa ABS-CBN Entertainment Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork), YouTube channel, at website (ent.abs-cbn.com).
Anyway, sa unang dalawang episodes nito, napanood ang dating PBB housemate na si Aljon Mendoza bilang isang frontliner na nahiwalay sa ama dahil sa outbreak sa episode na “Kornbip,” samantalang gumanap naman si Hasna Cabral bilang isang single mother na may madamdaming sulat para sa kanyang mga anak sa “Yakap.” Nakasama rin nila ang beteranong aktor na si Jojit Lorenzo.
Samantala, ang kalusugan naman ng mga Pinoy ang binibigyang kahalagahan sa “Team FitFil,” na nagpapatunay na kailangan lamang ng apat na minuto para mapanatiling malakas ang katawan. Mapapanood ito sa ABS-CBN S+A YouTube channel (channel (youtube.com/ABSCBNSports) at eere rin sa TV sa ABS-CBN S+A araw-araw tuwing 7:30 AM at reruns kada 3:30 PM.
Pinapakita ng fitness coaches na sina Jim at Toni Saret ng iba’t-ibang 4-minute home workout routines na maaaring subukan mula sa mga tahanan, samantalang nagpapaindak naman ang dance coach na si Mickey Perz sa kanyang apat na minutong dance exercises kung saan sa una nitong episode ipinakita ang fitness routine ni Robi Domingo at ng Kiwi sisters ng “PBB” na sina Franki Russell at Diana Mackey.
Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).
Sakto ito sa mga pasaway na ayaw magpapigil sa paglabas ng bahay kahit anong pakiusap na stay home muna para mapigil na ang pagdami ng covid-19 sa Pilipinas.
Actually, parang mali rin yata ‘yung idea na mamigay ng datung ang gobyerno dahil ang tendency naman naglabasan ang mga tao para mamili.
Anyway, hindi na rin nga nakapagpigil si Robin Padilla sa mga pasayaw na tao na gumagala na as if walang ECQ. “Pakiusap sa mga matitigas ang ulo na pakalat kalat pa sa kalsada sanhi ng paglaki ng numero ng mga infected at namamatay kaya tuloy humahaba ang lockdown COOKING INA NYO! Manahimik muna kayo sa mga bahay ninyo at may padre de pamilya na nagdurusa sa pag iisip sa kanilang pamilya. Yung may mga natanggap na ayuda sa gobyerno wag na kayong magreklamo pagkasyahin niyo nay an dahil may mga mahihirap din katulad ninyo na wala pang natatanggap na kahit ano at sa mga na nag patay malisya na lang sa mga trabahador nila habang silay nasa mga aircon at masarap pa rin ang pagkain at pa relax relax TANGING INA NYO!”
4th EDDYS kanselado na rin!
Cancelled ang 4th EDDYS na gaganapin sana sa July.
Narito ang official statement ng SPEEd :
“Amid the ongoing Coronavirus pandemic in the country and across the world, the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) would like to announce the cancellation of its 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) movie awards, annually held in July. SPEEd President Ian Fariñas and the rest of the organization have agreed to focus resources in joining efforts to help marginalized groups and the brave and selfless frontliners during these trying times. The beginning of the Luzon-wide community quarantine in March already saw SPEEd distributing food packs to frontliners in the areas of Marikina and Rizal, among them policemen and military personnel at check points, gasoline boys, bank security guards and grocery/convenience store staff.
“This month, the group has also made a donation to the Shields for Heroes PH, which continues to make Personal Protective Equipment (PPE) for distribution to various hospitals in Metro Manila. As the crisis continues, SPEEd hopes to be able to extend a helping hand albeit in small ways to help alleviate the repercussions of this global pandemic, believing that the Philippines can win over the war against Covid-19 as a people united. May we also laud and thank the ever growing number of groups and members of the entertainment industry who are actively doing their share, be it by holding fund-raising concerts from their homes, making personal donations and writing songs of hope for Covid-19 patients, Covid-19 warriors and the general public who need spirits uplifted today more than ever. Finally, to the Philippine government, the frontliners and every Filipino, mabuhay tayong lahat!
“Together we will rise.
- Latest