Misting tent nila Angel, binawal ng DOH!
Nakakahinayang naman na hindi pala advisable ang misting tent na ginagamit sa ibang sanitation tent na tinayo ng team ni Angel Locsin thru their #UniTENTweStandPH.
“The DOH does not recommend spraying or misting. There is no evidence to support that spraying of surfaces or large-scale misting of areas, indoor or outdoor with disinfecting agents, kills the virus,” ayon sa statement ng Department of Health a day ago.
Nauna na ring sinabi ng World Health Organization Philippines na “#AlaminAngTotoo: Ang pag-spray o pag-mist ng alkohol, chlorine o iba pang kemikal na pang-disinfect sa buong katawan, gaya ng mga nasa disinfection booth, ay hindi nakapapatay ng mga #coronavirus na nakapasok na sa loob ng iyong katawan.”
Ayon pa sa WHO pinaka-effective na panlaban talaga sa covid-19 ay ang social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at pag-iwas na hawakan ang mata, ilong at bibig.
Maraming sumaludo sa ginawa ni Angel sa pagdo-donate ng mga misting/tent for frontliners at mga nagbabantay sa covid patients.
Btw, kasama pala sa nag-contribute ng malaking halaga si Sharon Cuneta - P3 million - base sa tweet ni Angel sa kanyang fundraising na ayaw daw sana nitong ipasabi pa. Ayon kay Sharon nag-react siguro si Angel sa mga namba-bash sa kanya (Sharon). “I know you were hurt for me kaya mo nai-post ito. Thank you, my Angel. And saludo ako sa yo sa walang hanggan mo at walang kapagurang pagtulong sa kapwa natin. Ang hirap din tumulong. Kahit galing sa puso mo, may kokontra pa rin. Pero sabi ng Diyos “Do not tire of doing good...” Sana magkaisa talaga ngayon. God is teaching all of us lessons through this pandemic. Maybe one of them is to be kind to one another and to help in every little way we can even though no one is praised,” ang sagot naman ni Sharon sa post ni Angel.
Jace Roque nakipagtapatan sa kanta ng bts
Kahit walang back up ng major record label or management team, masasabing accomplished artist na si Jace Roque.
Kung tutuusin ilang taon na rin naman kasi si Jace sa entertainment business kaya marami na siyang mako-consider na credits as an actor and commercial model.
In fact, napanood na si Jace sa ilang ABS-CBN shows tulad ng And I Love You So, Inday Bote and Ningning. Naging supporting din siya sa mga pelikulang Across the Crescent Moon (starring Matteo Guidicelli) and Tatay Kong Sexy (starring former senator Jinggoy Estrada).
Well, nasa dugo naman talaga niya ang showbiz since he’s related to quite a few. Gino Padilla is a very supportive uncle, and Luke Mejares is a distant cousin of Jace’s. Pero ang relative niya that had the most impact sa kanyang career was the late character actor and stunt director Boy Roque.
Anyway, recently nag-switched nga ng focus si Jace sa music. Nagsusulat, nagpo-produce and he arranges his own songs. His biggest hits include Sober, which Jace dropped in 2019 and streamed more than 300,000 times sa Spotify. It was released via Ditto Music, isang distribution company na nakatrabaho na ng mga sikat na international singers tulad nina Ed Sheeran and Sam Smith.
Ang lyric video naman ng kanta niyang Love ay napanood din ng over 300,000 times on Facebook. It was released via Artists Without A Label (AWAL), a Kobalt Music Group subsidiary that works with artists like Finneas and Lauv at siya lang ang only Filipino soloist on their roster.
At last January 31, 2020, he released through AWAL and debuted itong No. 12 on iTunes Philippines and climbed to No. 8 just hours later, at kinabog ang Black Swan ng BTS and giving Jace his first Top 10 hit on the platform. As of this writing, ang nasabing official video ay malapit nang magkaroon ng 400,000 views on Facebook.
Mahusay. Imagine he earned a total of 1.5 million total streams across all platforms samantalang siya lang pala lahat ang gumawa nun. Kaya ngayon he’s ready to do it all again with his latest release, Forever na isang Taglish song.
And as of this writing, included na ang Forever sa Spotify Philippines’ New Music Friday playlist.
Lucky Jace. Imagine, hindi siya katulad ng ibang singer na malaki pa ang ginagastos para mapansin at may sumikat na kanta.
- Latest