Ethel biglang itinanggi ang pagiging ‘influencer’
Deactivated na ang Twitter account nina Ethel Booba and Ivana Alawi na ang buong akala ng followers nila ay sa kanila. “Paki-report nga to nakaka bwesit na eh
“Tagal na ginagamit ang pangalan ko neto eh
“Daming kuda di na lang manahimik
“Check out Ethel Booba (@IamEthylGabison),” ang IG post ng komedyana na kakapanganak pa lang at Ethel Gabison ang real name.
Maraming nagulat dahil matagal na ang nasabing account ni Ethel at ito ring account na ito ang nagpapa-trending sa kanya at ito rin ang nagamit para magkaroon siya ng Charotism na libro.
Maraming analysis sa pagkaka-deactivate ng nasabing account ni Ethel.
Itinanggi rin ni Ivana na sa kanya ang Twitter account na gamit ang pangalan niya. “THIS IS NOT MY TWITTER ACCOUNT!?
“Please help me report this account.”
By the way, sini-ship ngayon si Ivana kay DJ Loonyo matapos silang mag-flirting sa social media at ngayon nga ay marami nang followers ang LooVana. ‘Yan sa kabila ng pandemic dala ng covid-19.
Vic at Pauleen nag-Pasyon
Kung ang iba ay hindi itinuloy ang pabasa o pasyon dahil nga sa enhanced community quarantine, hindi naman nagpapigil ang mag-asawang Vic Sotto and Pauleen Luna.
Last Maundy Thursday ay nag-upload si Pauleen ng photo ng mister na si Vic habang tinutuloy ang tradition ng kanilang pamilya. “Continuing family tradition despite the lockdown. Vic and I take turn every 10-20 pages. Day 2 tomorrow. Around 60 pages left! #pabasa2020,” sabi ni Pauleen.
Ang Pabasa ay isang Catholic devotion tuwing Semana Santa.
Mga luxury brand pahinga muna sa paggawa ng mga bag, medical gowns muna ang tatahiin
Medical gowns muna ang tatahiin ng luxury brand na Louis Vuitton na ido-donate sa mga frontline medical workers sa mga hospital sa Paris base sa post ng nasabing brand na originated sa France.
Maging ang isa pang Italian luxury brand na Giorgio Armani ay gagawa muna ng single-use medical overall para labanan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Inaasahang magsusunuran na rin ang iba pang mga luxury brand sa pagdo-donate ng mga medical gown para maprotektahan ang frontline workers sa buong mundo.
Stay home ang buong mundo sa kasalukuyan at maging ang international and local influencers sa social media na bayad bawat post bago ang pandemic ay walang nagawa sa virus. Wala na rin halos silang ma-i-post sa kasalukuyan at kung anu-ano na lang eksena sa bahay.
Bago ang pandemic, animo’y sila na talaga ang most influential sa mundo.
By this time, ramdam nila na importanteng magdasal sa Diyos.
Mamahaling kape dinagsa ng mga naka-quarantine
Puwede namang mag-coffee sa bahay pero nang magkaroon ng announcement na magbubukas ng drive thru ang Starbucks, ayun nagdagsaan ang mga gustong mag-coffee. Naglabasan ng bahay para maki-drive thru. Nakalimutang may nagaganap na Enhanced Community Quarantine.
Gusto nilang tulungan ang frontliners, pero ayaw nilang mag-stay sa bahay ‘di ba.
Feng Shui experts hindi na-predict ang pandemic
Burado na ang story tungkol sa isang feng shui expert na nag-predict na magiging masuwerteng taon ang 2020.
Actually, hindi lang ang nasabing feng shui expert ang nagbanggit na lucky and prosperous ang 2020.
Parang walang nagbanggit na magkakaroon ng explosion ang Taal volcano at may pandemic na darating buong mundo ang mga nasabing feng shui expert.
Sylvia at Art, Cleared Sa Pneumonia
Sinabi ni Ria Atayde na cleared sa pneumonia ang mommy Sylvia Sanchez at daddy Art Atayde nila sa isang interview sa kanya ng StarStudio. “It has truly been overwhelming and reassuring knowing that there are so many people praying with and for us and our parents’ speedy recovery. As of today (she sent the message yesterday, April 8), we have been told that our parents’ lungs are finally cleared from pneumonia. Another test has been done to see if they’re negative for COVID-19 before they can finally go home,” banggit niya sa nasabing interview. Get well soonest Ms. Sylvia and Mr. Art.
Nauna nang naka-recover sa covid sina Christopher de Leon, Iza Calzado and TV news personality na si Howie Severino.
- Latest