Aktres na gusto nang mag-seryoso, batang suki sa mga male beauty pageant ang kasama sa lockdown
Isang malapit na kaibigan ang nag-forward sa akin ng litrato ng kilalang aktres na nasa mid-30s na may kasamang guwapong lalaki.
Sa itsura pa lang ay mas bata sa kanya ang lalaki at sweet silang dalawa. Merong kuhang humahalik sa kanya si aktres at merong magkayakap silang dalawa.
Tinanong ko ang ilang kaibigang malapit sa kanya, pero hindi sila sumasagot. Ayaw nilang magkomento, kaya lalo kaming nagdududang totoong may something silang dalawa.
Matagal na ring walang karelasyon si aktres pagkatapos siyang magkaroon ng baby sa dating karelasyon na isang male celebrity.
Ilang beses sinasabi ni aktres na ayaw na raw niya talagang makipagrelasyon kung parang laro laro lang. Ang gusto raw niya seryosohan na dahil hindi naman daw siya bumabata, at lumalaki na ang kanyang anak.
Ayaw naman daw niyang iba-ibang lalaki ang ipinapakilala niya sa kanyang anak. Kaya kung totoo mang may namamagitan kay aktres at sa lalaking ito, medyo nagdududa lang kami dahil masyado pang bagets si lalaki.
Sabi ng iba, sumasali-sali raw ‘yan sa ilang panlalaking pakontes kaya mukhang marami pa siyang gustong gawin.
Bawal judgmental sabi nga ng Eat Bulaga, pero ewan ko kung seryoso na ba ang lalaking itong makipagrelasyon sa aktres.
Mga nabigyan ng ppes ng Kamiseta, na-touch sa magagandang kulay
Napapansin na ang mga magaganda, ang saya ng kulay ng mga PPE o Personal Protection Equipment na ipinamigay ng Kamiseta sa mga frontliner sa UERM.
Nakatsikahan ko si Cris Roque, ang presidente at CEO ng Kamiseta sa radio program ko sa DZRH at natutuwa siya na sobrang na-appreciate ng mga doktor ng UERM ang mga PPE na ginawa ng Kamiseta na idinonate nila.
“Kasi sa hospital, parang ang sad na at ang gloomy na ng atmosphere.
“At least itong mga color, magli-liven up ng atmosphere. And Kamiseta is also known for colors. Bright colors, happy colors. So, in our own little way, we can also share happiness,” pahayag ni Ms. Cris.
Hindi nga raw napigilan ng mga doktor ng UERM na maluha nang tinanggap nila ang mga nai-donate na PPEs para hindi sila mapahamak sa pagsisilbi nila sa mga COVID patients.
“For us, parang it was something that could actually save their lives di ba? I feel na ‘yung PPE, iyun talaga ang importante ngayon. And that’s for a Kamiseta being a clothing brand, iyun talaga ang kaya namin gawin, and kaya namin ipamahagi sa mga hospitals,” pahayag ni Cris.
Sa UERM daw muna sila nag-commit dahil doon daw kasi na-train at gumaling nang husto bilang doktor ang sister niya. “Actually, I never expected sa buong buhay ko na gagawa ako ng design…na gagawa ako ng garment that could actually save people’s lives kasi the whole 26 years ang ginagawa lang namin na mga damit is really for personal use. Something that they can wear everyday. For me, ito na yata ang pinaka-importanteng damit na nagawa ko,” sabi pa ng president ng Kamiseta apparel at Kamiseta Skin.
Pati raw ang mga endorsers nila ay natutuwa sa ginawa ng kanilang kumpanya.
Si Heart Evangelista ang sa Kamiseta ng damit at sina Cristine Reyes at Ellen Adarna naman sa Kamiseta Skin.
- Latest