^

PSN Showbiz

Seth marami nang nabili sa bahay nang mag-showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Seth marami nang nabili sa bahay nang mag-showbiz
Seth at Andrea

Ngayong nasa bahay lamang ang Gold Squad na kinabibilangan ng tambalan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri ay ‘LDR’ daw ang namamagitan kina Seth at Andrea.

Ayon sa aktor ay madalas pa rin niyang nakakausap si Andrea sa pamamagitan ng video call. “Okay naman siya, nandoon siya sa bahay nila. LDR nga kaming Gold Squad eh, lock down relationship, kaming apat. Video call kaming apat, nagkakamustahan kami. Masaya,” nakangiting pahayag ni Seth.

Mayroong payo ang aktor para sa lahat ng kababayan upang makaiwas sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. “Ang masasabi ko lang sa lahat ng Kapamilya natin diyan lalo na sa kabataang Pinoy, napapansin ko po kasi napagdaanan ko rin ‘yon. Kasi ako binata, gusto nila sa labas, gusto nila kasama ang kabarkada nila. Kasi ako hindi rin kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakalabas ng bahay. Magtiis muna tayo, magtiis lang kasi isipin natin na hindi natin ginagawa ito para sa sarili lang natin kung hindi para sa nakararami. Biruin mo isang tao lang ang magkaroon noon ay grabe nang magpakalat. Grabe na ‘yung spread ng virus na dala niya. Safety sa sarili at safety sa iba. Huwag panghinaan ng loob kasi dadaan lang ito, pagsubok lang ito, ” pagbabahagi ng binata.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Seth sa Pinoy Big Brother dahil dito siya nagsimula sa show business. Ayon sa aktor ay malaki ang nagawa ng PBB sa kanyang buhay at maging sa pamilya. May mga bagay nang naipundar si Seth mula sa mga naging trabaho. “Nakabili ako ng TV, kita mo ‘yung TV namin, dati ‘yung TV naming may likod (picture tube), flat na siya. Dati ang sala set namin kawayan lang, ngayon malambot na. Dati ang sahig namin linoleum, ngayon tiles na. Napagawa ko na CR namin, shower namin stainless na. Nakabili na ako ng pet (dog) ko, si Whisky. Nakabili na rin ako ng motor,” pagdedetalye ng aktor.

Mayor Isko, pinaalalahanan ang front-liners

Isa si Isko Moreno sa pinakaabalang Alkade sa Metro Manila na tumutulong sa mga kababayang apektado ng COVI-19. Malaki ang pasasalamat ng Mayor ng Maynila sa frontliners na tumutulong upang gamutin ang mga pasyenteng dinapuan ng naturang disease. “We are grateful to your service,” bungad ni Mayor Isko.

May paalala rin ang Alkalde sa lahat ng frontliners upang makaiwas sa pagkahawa mula sa mga pasyenteng kinakaharap sa araw-araw sa mga ospital. “Sa atin pong mga doctors, nurses and health workers, mga frontliners, the least thing that I can say is thank you and we love you. We’re all the way with you. Private and public frontliners and health sectors, please take care and please extend out gratitude to your family. May God bless you all. Stay healthy, keep safe, kailangan po namin kayo,” mensahe ni Mayor Isko. Reports from JCC

 

SETH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with