Panganganak ni Cristalle Belo, naudlot!
Kawawa naman si Dra. Vicki Belo dahil nerbiyos na nerbiyos siya. Malapit ng manganak si Cristalle sa pangalawang baby niya pero nataranta sila dahil infected ang delivery room pati ibang staff dahil nagpunta nga dun sila Senator Koko Pimentel at asawa niya na positive sa covid 19.
Medyo napikon iyon director ng Makati Med dahil sabi niya dapat responsible ang mga elected official at dapat ginagawa nila kung ang ang sinasabi nila ‘di ba. Practice what you preach.
Irresponsible act daw iyon ginawa ni Sen. Koko na gumala at makipag-socialize samantalang alam na daw niya na positive siya.
Wow, nakakaloka na talaga lahat ng nangyayari Salve. Medyo palpak nga iyon nangyari dahil imagine na baka kumalat pa lalo ang virus kung ganyan na alam na nila na infected sila gumagala pa, please naman, be responsible and think of our people, please.
Mga pangyayari nakakatakot na...
Nakakatakot na ang mga nangyayari sa paligid.
Mayaman, influential, powerful, kapareho na lang nating mga ordinaryo at mahirap, walang iniwasan si coronavirus. Lahat talaga pinatikim niya ng lupit at lakas niya.
Kaya dapat talaga maging masunurin ang bawat isa, magtulungan tayo, konti lang sakripisyo, huwag muna tayong lumabas ng bahay at tiisin na natin.
Maging responsable tayo huwag tayong maging selfish, isipin na natin ang kapakanan ng lahat.
Habang meron tao na nasa kalye mas magiging mabilis ang kalat ng virus.
Stay home, please.
- Latest