^

PSN Showbiz

GMA News TV off the air muna

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
GMA News TV off the air muna

Signing off muna ang GMA News TV (Channel 24) dahil pa rin sa lumalalang kaso ng coronavirus sa bansa.

“Mga ‘iGan dahil sa banta ng Covid19, pansamantalang magkakaroon ng pagbabago sa inyong pambansang morning show, ang Unang Hirit. Iikli po muna ang oras namin simula bukas hanggang Biyernes at simula sa Lunes ay hindi ninyo na muna kami mapapanood. Maging ang GMANEWStv Channel 24 will be signing off until further notice. Pero patuloy po kami magbibigay ng balita sa @dzbb594 . Be safe mga ‘iGan. Ang lahat po ng ito ay bilang pag-iingat at nang hindi na kumalat pa ang virus. Ingat mga kapuso,” ang post ni Arnold Clavio na may regular show sa GMA News TV na Tonight with Arnold Clavio.

Nang tanungin ko siya kung may nag-COVID positive ba kaya silang titigil muna? “Wala naman. Safety measures lang. Mas kaunti ang work force mas madaling i-monitor. Pero DZBB program ang mapapanood sa GMA 7 para tuloy ang delivery ng news,” reply niya.

Or baka naman takot na ang mga taong mag-trabaho? “Di naman. Management decision lang at baka matsambahan. In place naman lahat ng safety precautions,” sagot niya uli.

Sa nasabing channel napapanood ang mga programa nila sa DZBB.

By the way, nauna nang sinabi sinabi ng GMA Network na walang mababawas sa suweldo and benefits ng mga empleyado nila sa kanila ng enhanced community quarantine para ma-contain ang pagrami ng virus sa bansa.

“Talents and project employees will still be able to receive their salaries on March 25 and 30, respectively. In addition, a cash advance will be made available for them for their April 10 and 15 pay-outs,” pahayag nila sa kanilang official statement.

GMA NEWS TV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with