Melissa, nakakaranas ng panic attack
Kamakailan ay nagbalik na si Melissa Ricks sa trabaho. Matatandaang pansamantalang iniwan ng aktres ang show business nang magkaroon ng sariling pamilya. Ngayon ay kabilang si Melissa sa 24/7 na pinagbibidahan ni Julia Montes na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN. “Super love ko si Julia that’s the only reason why pumayag po ako na tanggapin ‘yon. Actually hindi na dapat ako babalik,” pagtatapat ni Melissa.
Gusto na raw ng aktres ng normal na pamumuhay kaya ayaw na sanang bumalik sa pagiging isang artista. “Gusto ko lang ‘yung parang regular life. Naa-appreciate ko siyempre napagdaanan na natin ‘yung showbiz, so ‘yung parang normal life na-appreciate ko. Kasi since fourteen years old nasa taping na ako. So parang naisip ko na i-enjoy ko lang siya. And no’ng nalaman ko na si Julia, natuwa ako, pumayag ako. Kasi usually MMK (Maalaala Mo Kaya) or mga guestings hindi po talaga ako pumapayag. Kahit ‘yung morning show or kung ano man,” kwento niya.
Nakararanas si Melissa ng anxiety attack ngayon sa trabaho dahil ilang taon na rin siyang hindi nakaarte sa harap ng kamera. “Para na akong nininerbiyos masyado. May na-develop akong parang gano’n. Para talaga akong magpa-panic attack. ‘Yung naiiyak ako sa kaba ‘pag maraming tao, ‘pag may kamera. ‘Yung nakakalimutan ko ‘yung lines ko, nabablangko,” pagbabahagi ng aktres.
Bukod kay Julia ay nasa naturang action-drama series din ang ilang mga kaibigan ni Melissa kaya talagang tinanggap ito ng aktres. “Sina Matt Evans, Joross (Gamboa), Joem (Bascon), as in sobrang okay ‘yung cast. So parang kampante na rin ako. Siyempre iba na ‘yung kamera, ‘yung mga ilaw, ‘yung mga tao, hindi na po ako sanay,” pagtatapos ni Melissa.
KarJon, inspirasyon ang KathNiel at LizQuen
Nagsisilbing inspirasyon para kina Karina Bautista at Aljon Mendoza ang mga magkasintahang sina Kathyn Bernardo at Daniel Padilla, at Liza Soberano at Enrique Gil. Isa ang tambalan ng KarJon na mula sa Pinoy Big Brother Otso ang mayroong pinakamaraming tagahanga lalo na sa social media. “Siguro inspiration KathNiel, sobrang bow ako. Sobrang bilib ako sa kanila sa acting nila. Gusto ko maging mahusay din sa acting,” nakangiting pahayag ni Aljon.
“Ako KathNiel, LizQuen, sobra. Kasi ‘yung LizQuen naman is so genuine, sobrang cute nila together. Even before pa nahuhuli ako nagpo-post ng LizQuen sa facebook. I’m really a fan of them,” dagdag naman ni Karina.
Aminado ang bagong tambalan na nakararamdam na rin ng pressure dahil nagsimula din lamang bilang magkatrabaho ang KathNiel at LizQuen bago pa naging opisyal na magkarelasyon. “Para sa akin as long as good ‘yung working relationship n’yo, basta solid ‘yung samahan n’yo,” giit ng baguhang aktor.
“Siguro ‘yung definition ng friendship ‘di ba ‘yung ability to work together tapos ‘yon, choice naman kasi,” pagtatapos naman ng dalaga. Reports from JCC
- Latest