^

PSN Showbiz

Pres. Duterte parang nagpapa-facial na ang hitsura!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pres. Duterte parang nagpapa-facial na ang hitsura!
Pres. Duterte

May napansin ako habang pinanonood ko ang mga TV appearance ni Papa Digong Duterte para sa COVID-19.

Naku ha naging very smooth ang skin at parang light na ang complexion ni Papa Digong.

Ang duda ko, either, gumamit siya ng Beau­tederm o nagpa-facial kay Dra. Vicki Belo, Kamiseta Skin or House of Obagi. O baka rin naman Flawless.

 Or baka nakapahinga lang ng tama si Papa Digong or iba na ang make up artist niya.

Hindi ako nagbibiro Salve ha, ‘di ba dati parang maraming pockmarks ang mukha ni Papa Digong at very dark ang facial skin, very ethnic, pero ngayon, mukha na siyang endorser ng Beautederm ha. Hahaha.

Sa totoo lang, iyon mukha ni President Duterte ang tinitingnan ko habang ina-announce niya na tutulu­ngan ng gobyerno ang mga mahihirap na maaapektuhan ng COVID-19.

Hay kaloka me talaga.

Basta ingat tayong lahat ha.

Monching parang  si Eddie Gutierrez habang tumatanda

Ang sarap tingnan nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon sa contract signing ni Diego Gutierrez kay Leo Dominguez bilang showbiz manager na niya.

Sarap makita ng mag-ex na kahit hiwalay na, friendly pa rin sa isa’t isa dahil meron silang mga anak.

At isang bagay na talagang mapupuri mo sina Monching at Lotlot, na lahat ng anak nila ay nag-aral at nagtapos sa magandang school.

Hindi rin kataka-taka na magaganda mga anak nila dahil may pinagmanahan sa looks, ang Spanish blood ni Monching at American naman kay Lotlot.

Pero kahit magalit si Jun Lalin, para sa akin mas guwapo pa rin si Monching ha, tumatanda siyang parang si Eddie Gutierrez, nandun pa rin ang good looks kahit matanda na.

Sana nga magtagumpay si Diego sa pagpasok niya sa showbiz, na isa namang sanga ng magandang pamilya Gutierrez.

Hollywood stars pinagsawaan na?!

Siguro nga nababago rin ang standard of beauty ng isang tao ‘pag iba na ang idols mo.

Nanood ako sa HBO at Cinemax pero na-realize ko na hindi ko na masyadong type ang Hollywood stars kasi nga ngayon ang magaganda at guwapo na para sa akin, mga Korean. Hahaha.

Very Asian na ang type ko, naka-move on na ako sa Hollywood, hahaha.

Kaya ngayon ang tingin ko sa mga local star, mas guwapo at maganda na, kasi nga nawala na iyong standard of beauty ko nun na very American at European. Ngayon talagang Asians na ang mas type ko.

Ganundin siguro pag-judge ka sa beauty contest, meron kang standard na gusto, kaya ‘di ba meron year na ang mga winner exotic Asian, at meron year na puro Caucasians naman ang nanalo ng korona.

Basta ngayon mas type ko ang Pinoys, Koreans, Japanese, Thai at Chinese, hahaha, after all, win na ang Asian sa Oscars, kaya tama lang ang choice ko, ‘di bah?!

EDDIE GUTIERREZ

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with