^

PSN Showbiz

Agimat ni Mang Ramon tumatalab pa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Agimat ni Mang Ramon tumatalab pa
Revilla Family

Siguro nga talagang may agimat si Mang Ramon Revilla Sr.

Bongga siya na sa edad na 94 hayun at sharp pa ang isip, pader pa rin ng Revilla family na talagang buo dahil nga sama-sama sila sa pag-aalaga ng kanilang father.

Andiyan sina Marlon, Strike, Bong, Rowena, Princess, Andeng at Diana parati para ala­gaan ang kanilang ama at nagdarasal na humaba pa ang buhay ng kanilang ama.

Doon mo makikita why the Revilla is strong, binded sila ng pagmamahal sa isa’t isa.

Happy birthday Mang Ramon, pahiram nga ng agimat para umabot ako ng 90 years old.

Hah hah hah.

kahit hanggang 90 na lang.

Summer filmfest may intriga na agad

Siguro nga pag ikaw ang may hawak ng isang malaking festival tulad ng MMFF at Summer Festival tulad ni Noel Ferrer sasakit din ulo mo pag meron mga reklamo, duda, nagtatanong bakit hindi pumasok ang ganito at ganyang pelikula o bakit ito napili iyon iba ay hindi.

Cool nga si Noel dahil nagagawa niyang maayos ang lahat, ipaliwanag mga bagay-bagay at ibinigay ang tamang mga rason ng mga gusto nilang malaman.

Gaya ngayon, meron nagtatanong sa movie nila Coco Martin at Angelica Panganiban na Love or Money kung bakit nakasali ito sa Metro Manila Summer Film Festival.

Siguro naman isang malaking plus factor na makasama sa festival ang Love or Money.

Iyong premium na kasali ang isang movie ni Coco mala­king bagay na para umingay ang summer festival na first time lang.

Sure rin ako na maganda ito dahil first time nagsama sila Coco at Angelica sa pelikula at pumunta pa raw sila sa Dubai para mag-shooting doon.

Naku Noel huwag kang pumayag sumakit ang ulo noh, basta for me maganda trabaho mo, go lang ng go at congratulations.

PPP mas pinalakas

Bongga ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Nasa ika-apat na edisyon pa pala sa Set­yembre.

At mas pinaigting daw ito sa apat na paraan.

Una, magkakaroon ito ng lineup ng 10 pelikula. Pangalawa, pipili ito ng anim na finished films o mga pelikulang nasa post-production at apat na proyektong nasa advanced development stage o production stage.

Pangatlo, maghahandog ito ng co-production funds na aabot sa PHP 2 million sa pamamagitan ng FilmPhilippines Philippine Co-Production Fund.

Pang-apat, ang Sine Kabataan 4 ay magbibigay din ng production grants at magsasagawa ng film development lab sessions para sa mga kabataang filmmaker.

Ang PPP 4, na magaganap mula Set­yembre 11 hanggang 17, 2020, ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipagtulungan sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Ang unang araw ng PPP ay ang huling araw ng pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino (mula Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020), ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 622, s. 2018.

Ang saya-saya ng movie industry natin.

Pagkatapos ng Summer Filmfest, ang PPP naman ang aabangan natin.

Go go Chair Liza Dino.

RAMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with