^

PSN Showbiz

Sarah at Richard , tiyak na ang forever

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Richard , tiyak na ang forever
Sarah at Richard

Cute ang ginawa nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na prenup shoot sa ilalim ng dagat. Very unique at very romantic.

Siguro nga lifetime happiness na ang magiging Mr. and Mrs. dahil nadaanan na nila lahat ng pagsubok, dalawa na ang anak nila bago nila naisip magpakasal.

At ngayon sure na siguradung-sigurado na sila sa feelings nila, kilalang-kilala na nila ang bawat isa. Ngayon sila nagpatali to make it legal. Congrats Ri­chard and Sarah, forever will not be enough, be happy always. 

Flawless paborito ng mga bagets

Hanggang ngayon ha hindi pa rin pumapasok iyon promo campaign ng Flawless sa Take It... Per Minute! (Me Ganun).

Hahaha.

Sabi nina Tanya at Nikka ng Flawless pumayag na si Rubby Coyuito na favorite travel buddy ko na mag-place ng promo ads sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve ha.

Kasi nga naalala ko dahil sina Ian Farinas at Tessa Mauricio ay magpapa-beauty sa Flawless para maganda raw sila sa EDDYS 2020. Hahaha. Ang aga ng paghahanda nila hah. Parang beauty pageant tuloy ang naisip ko dahil pinaghahandaan mabuti ang The Eddys yearly. Eh ‘di ba sabi nga ng maraming pumupunta sa Flawless clinics, very affordable at convenient ang beauty clinic dahil makikita mo sa almost lahat ng malls.

At iba pa rin ang mapi-feel mong security dahil nga mga tunay na dermatologist ang mga doktor sa Flawless, meron license at safe ang mga procedure. At very reasonable ang price kaya afford nila Ian at Tessa.

Karamihan nga sa kanilang mga customer mga high schoolers at college students dahil you really have to start early to take care of your skin, ‘di bah? 

So punta na kayo sa Flawless para lagi kayong maganda noh. Hindi na uso ang ugly skin ngayon. Hahaha.

Ayan na naman mga na naman seryosohin n’yo na may pinatatamaan ako.

Alfred bumilib kay Shaina

Tuwang-tuwa ako na nakasali sa Metro Manila Summer Filmfest ang pelikula nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao na Tagpuan.

Bongga dahil sa Hong Kong at New York kinunan ang mga eksena ng pelikulang ito na talagang pinag-ukulan ng panahon ni Cong. Alfred dahil in love siya sa story.

Dati nang friends sina Alfred at Iza, pero dito naging close si Alfred na humanga sa working habits at dedication ni Shaina.

Sana nga maging maganda ang resulta sa box-office ng pelikula dahil pinaghirapan itong mabuti ng tatlong main cast. Alam mo naman kung gaano kahirap mag-shoot abroad kaya iyon natapos nila ito ng walang aberya, isa nang malaking accomplishment.

Good luck Alfred, Iza and Shaina. Watch ako ng Tagpuan, pro­mise. 

vuukle comment

SARAH AT RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with