^

PSN Showbiz

Van na sinasakyan ni Kim Chiu pinagbabaril

James Relativo - Philstar.com
Van na sinasakyan ni Kim Chiu pinagbabaril
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng aktres na si Kim Chiu ang pinsala na tinamo ng kanyang van matapos itong pagbabarilin ng mga di kilalang lalaki Miyerkulas ng umaga.
Mula sa Instagram account ni Kim Chiu

MANILA, Philippines — Sa hindi pa malamang dahilan, pinaulanan ng bala ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu habang papunta sa isang taping ngayong umaga.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Kim na natutulog siya sa loob ng sasakyan nang makarinig ng walong putok ng baril bandang 6 a.m. Sila na pala ang binabaril.

"Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us," sabi ng aktres, Miyerkules ng umaga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu ?? (@chinitaprincess) on

Habang tinatanong ang kanyang driver tungkol sa nangyari, laking gulat na lang daw siya nang makakita ng piraso ng bala na naiwan sa kanyang windshield.

Sinasabing dalawang hindi pa kilalang suspek ang may kagagawan ng krimen.

"'[B]uti nakahiga ako,'" sabi daw niya sa kanyang sarili. "Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?... I was so scared."

Sinasabing nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Sa panayam ng radyo dzMM, sinabi ni Wilfredo Taperla, driver ng van, na nanggaling ang putok sa kanan at tumagos sa kaliwang bahagi ng salamin.

Palabas daw sila ng subdivision at nahinto sa isang intersection nang paputukan.

May mga ilang kahanay pa raw silang sasakyan nang mangyari ito, kung kaya't inakala nilang iba ang tinatarget ng mga gunmen.

"Naka-motorcyle, may angkas. Dalawa sila. 'Yung nagdala ng baril, malaking mama. Naka-angkas. 'Yun lang poa ng napansin ko," paliwanag ni Taperla.

Mistaken identity?

Ayon pa sa Kapamilya star, wala naman daw siyang kaaway at atraso kanino man kung kaya't malaking palaisipan sa kanya ang motibo ng pananambang.

"I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke," dagdag pa niya.

"Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin."

Sa ngayon, ipinagpapasa-Diyos na lang ni Kim ang nangyari: "Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa."

Hindi pa sumasagot sa panayam ng PSN si Philippine National Police spokesperson Bernard Banac sa ngayon.

AMBUSH

KIM CHIU

SHOOTING INCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with