Sexiest love triangle nina Lovi, Marco at Tony mapapanood na
MANILA, Philippines — Ipinagmamalaking ihandog ng Viva Films ang “sexiest love triangle in Philippine cinema” ngayong summer nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca sa Hindi Tayo Pwede.
Mula sa panulat ng iconic storyteller na si Ricky Lee, ang pelikulang ito ay dinirek ng iconic director na si Joel Lamangan.
Ito ang kwento ni Gabby o Gab for short (Lovi Poe) na na-in love sa binatang may kaparehas ng kanyang pangalan (Tony Labrusca) at may matalik na kaibigan na si Dennis (Marco Gumabao).
Malapit nang ikasal sina Gab at Gabby, ngunit isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Gabby. Si Dennis ang naging karamay ni Gab. Nang magtapat si Dennis ng kanyang pagmamahal sa kanya, hindi nakaiwas ang dalaga na makasiping ito.
Ngunit hindi pa rin nawawala ang presensiya ni Gabby sa buhay ni Gab. Nakikita, nakakausap, at nakakasiping niya pa ito. Kapag binuksan ni Gab ang kanyang puso para kay Dennis, maaaring tuluyan nang mawala si Gabby sa kanya. Handa na ba siyang bumitaw? Bibigyan niya ba ng pagkakataon ang sarili na magsimula muli?
Tinaguriang Kapuso Primera Aktres at nagwagi ng tatlong beses bilang Best Actress at tatlong beses din bilang Best Supporting Actress, inaasahang maaantig ni Lovi Poe ang mga manonood sa romantic drama na ito. Ito ang ikalawang beses na nakatrabaho niya si direk Joel Lamangan. Ang una nilang pelikula ay ang The Bride and the Lover noong 2013.
Nakagawa na ng maseselang love scenes si Lovi Poe sa pelikulang The Annulment, at ngayon kaabang-abang kung gaano kalakas ang kanyang chemistry kina Tony Labrusca at Marco Gumabao na tinuturing na dalawa sa mga hottest heartthrobs sa ngayon. Naging sensational si Tony sa Glorious at intense naman si Marco sa Just a Stranger.
Mapapanood ang Hindi Tayo Pwede sa mga sinehan simula March 4, 2020.
- Latest