Naghahanap ng bahay? Ibinebenta ni James Reid ang kanya sa halagang P85-M
MANILA, Philippines — Naghahanap ng buyer para sa kanyang lupa't tirahan sa Loyala Grand Villas, Quezon City ang singer-actor na si James Reid.
Ang bahay ay dati nilang tinirhan ng ex-girlfriend at aktres na si Nadine Lustre.
Sa kanyang Instagram story, sinabi ni James na nagkakahalaga ito nang mula P82 milyon hanggang P85 milyon: "My house is for sale!"
Ang bahay ay may laking 1,000 square meters, na may laman ding gym equipment, CCTV security atbp.
Sa litrato, makikita ang tatlong palapag, pitong bedrooms, dalawang kusina, at anim na garahe. Meron din itong "unique 25 meter lap pool" sa loob.
Taong 2016 nang bilhin niya ito para sa kanyang birthday noong ika-11 ng Mayo.
"My personal wish is to stop time. I wish everything could slow down... just a little bit," sabi niya sa PEP.ph nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish noon.
Enero 2020 nang ibalita ng kolumnistang si Ricky Lo na nag-alsabalutan sa nasabing bahay si Nadine bago diumano lumipat sa isang condominium sa Lungsod ng Makati matapos ang hiwalayan ng dalawa.
Sandaling itinanggi ng dating JaDine power couple ang hiwalayan ngunit kinumpirma rin nila kalaunan sa isang joint statement na inere asa "Tonight With Boy Abunda." — Philstar.com intern Gabrielle Ann Gabriel
- Latest