^

PSN Showbiz

Jake, walang-wala nang lumipat sa ABS-CBN

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake, walang-wala nang lumipat sa ABS-CBN
Jake

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na mag-e-expire na sa susunod na buwan. Para sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca ay dapat na dumaan sa tamang proseso at hindi basta na lamang ipatitigil ang operasyon ng TV network. “ABS-CBN didn’t break any law. That’s just absurd and at the same time, ‘di ba may proseso? So daanan naman natin ‘yung tamang proseso. Hindi nga lang para sa artista kundi para sa lahat ng empleyado ng ABS-CBN. Their jobs are going to be taken away from them. That’s people who have been working there for decades. Maawa naman sila, like me, an actor, we can do movies and we can do theater. We can do a lot of things pero isipin natin ‘yung empleyado na binigay ‘yung buong buhay nila sa ABS-CBN. Daanin man lang natin ‘yung proseso, that’s all I have to say about that,” makahulugang pahayag ni Jake.

Matatandaang lumipat ang aktor sa Kapamilya network noong 2006 mula sa GMA. Walang-wala raw si Jake noon at talagang malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa kanyang career. “ABS-CBN was there for me when I was nothing. First taping day ko I had 100 pesos in my pocket. Wala akong pang-gas papuntang taping and ABS-CBN has given me this life. So for me, I’m loyal with ABS-CBN. No’ng umalis ako sa GMA isang daan na lang pera ko. Wala akong pang-parking kasi sa airport kami nag-taping. So imagine 18 hours kami do’n, wala akong pambayad sa parking. Kaya nakakalungkot ‘yung nangyayari sa ABS-CBN kasi ang daming buhay natulungan ng ABS-CBN eh, ang dami talaga,” pagbabalik-tanaw ng aktor.

Cristine nagsalita na sa nangyari sa kanila ni Ali

Kahit hiwalay na sa asawa ay masaya naman daw si Cristine Reyes kasama ang anak nila ni Ali Khatibi na si Amarah. Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang unang napabalitang nagkahiwalay na ang dalawa. “We’re on good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah. I’m totally fine. I’m more focused with Amarah. I’m more focused with myself and to be honest, I’m more focused to be learning about God,” nakangiting bungad ni Cristine.

Maraming mga bagay ang natutunan ng aktres tungkol sa pag-ibig dahil na rin sa mga naranasan niya noon. Matatandaang nagpakasal sina Cristine at Ali sa Balesin noong 2016. “Biggest lesson that I’ve learned is always try to listen to people who truly cares for you. Sometimes you don’t see things eh, without thinking,” makahulugang pahayag niya.

Samantala, sa Miyerkules ay ipalalabas na ang pelikulang Untrue na pinagbibidahan nina Cristine at Xian Lim. Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bagong proyekto dahil bukod sa magandang istorya ay sa Georgia pa kinunan ang mga eksena nito. “We always see these kind of films sa Hollywood but this time it’s a Filipino movie. Ang galing ni Xian and no’ng napanood ko na ang buong pelikula, hindi ko nakita si Xian Lim do’n, nakita ko siya as Joaquin. That’s his character,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC) 

ABS-CBN

JAKE QUENCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with