^

PSN Showbiz

Summer filmfest sa Quezon City unang paparada!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Summer filmfest sa Quezon City unang paparada!
Mayor Joy

Hanggang alas-singko ngayong araw ang deadline ng entries ng mga sasali sa Summer Metro Manila Film Festival.

Ayon sa spokesperson ng MMFF na kaibigan din nating si Noel Ferrer, 24 letter of intents daw ang natanggap ng MMFF Executive Committee.

Walong pelikula lang ang pipiliin ng Selection Committee na siya ring grupo na namili noong nakaraang MMFF.

As of Thursday nang nakausap namin si Noel sa radio program namin sa DZRH, anim pa lang daw ang finished films na isinumite kaya inaasahan nilang masusumite na ang iba pang mga pelikulang isasali sa kauna-unahang SMMFF.

Ang alam naming nagpahayag na ng interes na sumali ay ang Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa, at ang Tagpuan nina Cong. Alfred Vargas at Iza Calzado. Maganda ang feedback sa pelikulang ito, na sa totoo lang, mas magandang ‘di hamak kung ikumpara sa ilang pelikulang nakapasok sa MMFF nung nakaraang taon.

Ilan pa sa narinig naming magsa-submit ay ang Coco Martin at Angelica Panganiban movie na dapat ay pang-Valentine offering ng Star Cinema. Pero hindi pa ito natapos, kaya ginawang pang-Valentine ang James & Pat & Dave nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Donny Pangilinan.

Dalawang pelikula naman daw ang ipapasok ng Viva na kung hindi kami nagkamali ang A Hard Day ni Dingdong Dantes at isang comedy film ni Kim Molina.

Definitely, meron ding ipapasok ang Regal Multimedia, Inc. sa dami ng mga pelikulang nagawa nila.

Pinipilit na ring tapusin ng Maverick Films ang Co­ming Home nina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Katatapos lang daw ng shooting, at minamadali na raw ang post production para makahabol sa submission ngayong araw.

Meron din daw isang napakabayolenteng pelikulang Resbak na dinirek ni Brillante Mendoza. Bida raw dito sina Albie Casino at Vince Rillon.

Nauna nang sinabi ng taga-MMDA at MMFF Execom na wala silang ideya kung ano talaga ang crowd ng  summer MMFF.

Hindi naman daw sila nag-i-expect na kasing­lakas ito ng December na MMFF. Okay na raw sila kung maka-500M plus ang walong pelikulang magiging kalahok.

Sa March 2 ang announcement ng walong pelikulang mapipili, na kung saan doon na rin ibibigay ang mga cash prizes ng mga nagwagi sa Gabi ng Parangal ng MMFF nung nakaraang taon.

Ang lungsod ng Quezon ni Mayor Joy Belmonte ang host ng Summer MMFF na bubuksan ng parada sa Quezon City sa Palm Sunday April 5 at magsisimula ang showing ng Black Saturday.

Ang dalangin lang ng lahat matapos ang Covid-19 scare para hindi na matakot maglalabasan ang mga tao para manoood ng mga sine.

Nag-trending na balladeer makikipag-showdown sa sinalihang Clash…

Napabalita nang maggi-guest ang nag-trending na si Carl Malone Montecillo sa Ellen DeGeneres. Pero bago ‘yan, mauuna muna siya sa All-Out Sundays na kung saan makakasama niya roon ang mga nakasabayan niya sa season 2 ng The Clash na sina Jeremiah Tiangco, Nef Medina, ang taga-season 1 na sina Jong Madaliday at Garret Bolden.

Kaabang-abang ang production number niya ito dahil makakasama rin nila ang mga hosts ng The Clash na sina Julie Ann San Jose, Rayver Cruz, Rita Daniela, Ken Chan at ang judge nilang si Christian Bautista.

Sa mga hindi nakaalam, sumali sa The Clash si Carl Malone Montecillo, pero hindi siya umabot sa mga finalists.

JOY BELMONTE

SUMMER METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with