Inaalok ng bouquet of mustang si Nadine
‘Ex’ nina Erich at Ella
MANILA, Philippines — Mahusay na mahusay talagang magpapansin ang ex suitor nina Ella Cruz and Erich Gonzales (famous billboard na coffee invite).
Ngayon naman si Nadine Lustre ang tina-target niya. At ang gimik niya, may inihanda siyang “Bouquet of Mustang” para sa girlfriend ni James Reid.
As in naka-post na sa kanyang social media account at ang nakakaloka, kinaaliwan ng maraming social media users kaya libo-libo ang number of share. “Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a “Bouquet of Mustang” as a Valentines gift,” part ng caption niya.
At may paliwanag siya ha kung bakit siya may pambili ng kotseng Mustang na ewan kong seryoso o charrot charrrot lang.
Aligaga ang lahat kahapon sa pagkapanalo ng Parasite sa Oscars at sa quo warranto case sa ABS-CBN heto at may ganyang pakulo ang isang Xian Gaza.
Nauna nang nasentensyahan ng Malabon Metropolitan Trial Court si Xian for violating the Bouncing Check Law.
Speaking of Nadine, hindi naman pala mababakante si Nadine. Kasama niya si Julia Montes with Zanjoe Marrudo and Paulo Avelino base sa ini-upload ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut sa teleseryeng Burado.
Sa title pa lang, parang action na ang serye.
- Latest