^

PSN Showbiz

Mga naiwan ni Gina Lopez baka masayang...

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga naiwan ni Gina Lopez baka masayang...
Gina Lopez

Mga teleserye ng dos pahulaan pa kung magkakaroon ng ending!

Naniniwala si Movie and Television Review and Classification Board Chairwoman Rachel Arenas na dadaan sa tamang proseso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Actually, ayaw magbigay ng reaction ni Chair Rachel nang matanong siya sa mainit na mainit ngayon ang usapan tungkol sa franchise renewal ng network nang maka-lunch namin kahapon.

Ilang beses nang sinasabi ni Pres. Duterte na haharangin niya ang panibagong franchise ng Kapamilya Network.

Well, marami na rin kasing kabado kung ano ba talagang magiging kapalaran ng mga bagong teleserye at digital shows ng Dos dahil hindi pa nga sigurado kung magpapatuloy ba sila sa pag-operate makalagpas ang March.

Maraming maaapektuhan kung magtigil-operasyon sila at hindi lang fans ang tiyak na magluluksa dahil ‘di na nila mapapanood ang mga idol nila, kawawa rin siyempre ang libu-libong mga empleyado na mawawalan ng trabaho.

Dagdag pa riyan, marami rin siyempreng mga Pinoy ang umaasa sa dalang saya at impormasyon ng TV lalo na sa panahon ng kalamidad. Sabi nga ng Global Digital Media associate professor na si Jonathan Ong sa isang interview, “In my research in Filipino slum communities and their TV rituals, what stood out for me was the intimacy developed with television. TV is not just a coping mechanism but for the most desperate, they are real places to visit and line up for so they could tell their own stories in the game show, or request for charity assistance.”

Yun na nga. Meaning, hindi lang naman entertainment ang hatid nila sa viewers nila. Eh meron din silang mga news programs, documentaries, mga educational shows  gaya ng Sineskwela, Math Tinik, Bayani, Hiraya Manawari, at Wansapanataym na para sa mga bata.

At ang naalala natin sa mga bata, ang Bantay Bata program at Sagip Kapamilya na proyekto ng pumanaw na si Gina Lopez. Malaking tulong ang mga nasabing programa sa pangangalaga sa karapatan ng mga bata at pag-alalay sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ano kaya ang mangyayari sa mga programang ‘yan kung hindi maaprubahan ang prangkisa ng Dos?

Tapos, may ambag din naman sila sa pagpapakilala ng kultura natin sa ibang bansa, at nai-introduce din tayo sa kultura ng ibang bansa dahil sa pag-ere ng mga Pinoy teleserye abroad at  pagpapalabas dito ng mga Mexicanovela pati na mga in-demand na KDrama.

Kaya naman pati mga Kapamilya artists, nakikisali na rin sa pag-rally para maisalba ang franchise ng kanilang network. Panay na ang share ng mga celeb gaya nina Anne Curtis, Vice Ganda, Karla Estrada, Robi Domingo, Lea Salonga at iba pa sa online petition na humihimok sa Kongreso na ipasa ang bill para ma-renew ang prangkisa ng network.

Well, abangan nalang natin kung uubra ba ang dasal ng mga Kapamilya stars and supporters para masiguradong tuloy ang pagbibigay-tulong at saya ng Dos.

Pag nagkataon, mababawasan na rin ang ire-review ng MTRCB.

ABS-CBN

GINA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with