ANC anchor Cathy Yang, kinilala bilang pinakamahusay na news presenter sa asya
Muling nagbigay ng karangalan sa bansa ang ABS-CBN News Channel (ANC) anchor na si Cathy Yang sa pagbubukas ng bagong dekada matapos siyang tanghaling Best News Presenter sa ika-24 Asian Television Awards na ginanap sa Manila.
Kinilala para sa kanyang programang Market Edge with Cathy Yang, sinabi ng anchor na malaking bagay sa kanya ang natanggap na parangal bilang isang Kapamilya.
“Nagsimula ako bilang Kapamilya kung saan marami akong natutunan. Tapos nagtrabaho ako sa Tokyo at Hong Kong at ngayon narito ulit ako. Salamat sa ANC at mga Kapamilya sa suporta,” aniya.
Bukod sa Market Edge, host din si Cathy ng The Boss at Business Nightly na pawang napapanood sa ANC.
Ito na ang ikaapat niyang parangal mula sa Asian Television Awards matapos manalo ng tatlong beses noon para sa isang regional news network.
Bago ang panalong ito, nagwagi rin siyang Best News or Current Affairs Presenter sa Asian Academy Creative Awards noong Disyembre sa Singapore.
Panoorin si Cathy Yang mula Lunes hanggang Biyernes sa Market Edge ng 3 pm at sa Business Nightly ng 7:30 pm. Mapapanood rin siya sa The Boss tuwing Huwebes ng 7:30 pm sa ANC o iWant.
- Latest