^

PSN Showbiz

Coco walang palya sa panata sa mahal na Nazareno

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco walang palya sa panata sa mahal na Nazareno
Coco

Darating kaya si Coco Martin sa gaganaping Traslacion ngayong araw?

Or kung hindi man sa mismong sa Traslacion, anong oras kaya siya bibisita ng Quiapo church or pipila sa Quirino Grandstand?

Kasama si Coco sa maraming artistang devotee ng Mahal na Black Nazarene na inaasahang five million devotees ang dadagsa ngayong araw para sa 2020 Feast of Black Nazarene.

Suki every year si Coco na naging isa pa sa mga speaker last year sa Quirino Grandstand bago naganap ang Traslacion na inabot ng halos 24-hour ang procession mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.

Lumaki ang sikat na actor na sinasama ng kanyang lola sa pagsimba sa Quiapo kaya ayon sa mga dating interview ni Cardo ng Ang Probinsyano,  lumaki siyang laging nagdarasal sa Mahal na Nazareno.

Kasama sa mga kilalang devotee ng Mahal na Nazareno sina Angeline Quinto, Kris Aquino, Noli de Castro, at marami pang iba.

Sina Angeline, Noli ay taun-taon ding namamanata, pero si Kris lately ay  malamang nagdarasal na lang dahil sa kanyang health condition.

Samantala, inaasahan na mawawalan ng network signal ang mga lugar na dadaanan ng Traslacion ngayong araw.

Sa isang memorandum noong January 6 na signed ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, nakalagay doon ang pagka-cut off ng all network services mula 11:00 ng Miyerkules (January 8) hanggang 12:00 midnight ng January 10 kaya maraming mapapahinga sa paggamit ng cellphone.

Habang sinusulat namin ito ay pila-pila na ang Pahalik sa Poong Nazareno sa Quirino Grandstand at walang balita kung nagpunta na si Coco.

Inaasahang 5 million na deboto ang makikiisa sa Traslacion ngayon na ang sabi ay hindi uulan at magandang panahon ang mararanasan ng mga makiki-join.

Aabot din sa 130,000 ang magbabantay na mga pulis sa Traslacion,

COCO MARTIN

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with