^

PSN Showbiz

Alden ginawa na lahat sa All Out…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden ginawa na lahat sa All Out…
All Out Sundays

Pinanood ko kahapon ang pilot telecast ng All Out Sundays at nag-enjoy ako sa mga production number at comedy skit.

Happy ang fans ni Alden Richards dahil natupad ang kanilang wish na mapanood siya sa isang regular show na siya ang main host and performer.

Sumayaw, kumanta at nag-host si Alden sa All Out Sundays na sure ako na tatangkilikin ng lahat dahil lahat ng rekado, inilagay ng GMA para matiyak na lalaban nang husto ang kanilang new Sunday noontime show.

At tiyak na sa ganda ng PR ni Alden, marami ang magiging guest stars na  gusto na maging part ng All Out Sundays.

Watch natin at gawin na habit every Sunday ang panonood ng All Out Sundays, ang show na naiiba sa mga musical show.

Cast member ng All Out Sundays si Paolo Contis na ginulat ang tele­viewers dahil marunong siya na kumanta.

Live ang pagkanta ni Paolo na hindi sintunado ang boses kaya marami ang bumilib sa kanya.

Sabi ko nga, versatile performer si Paolo na puwedeng bida, kontrabida at komedyante. Sa pilot episode kahapon ng All Out Sundays, ipinamalas naman ni Paolo ang husay niya sa pagkanta at pagsayaw.

Actually, hindi mahirap i-book si Paolo sa mga out of town show dahil total performer nga siya. Bongga ang talent niya sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw. Ang galing-galing talaga niya na artista.

Obvious na malaki ang budget ng GMA 7 para sa All Out Sundays.

Sa bilang ko, more than 30 ang mga artista ng Kapuso Network na kasali sa All Out Sundays, hindi pa kasama ang mga dancer. Sure ako na madarag­dagan pa ang cast members ng show at mangyayari ito sa March 2020. My lips are sealed kaya hindi ko muna ise-share ang mga nalalaman ko.

Bizaare never nakalimot sa mga kasambahay

Bongga ang mga kasambahay ko ha? For the longest time, every Christmas pinadadalhan ng regalo nina Victor at Lucy So ng Bizaare ang mga kasambahay ko na sina Mel, Celia, Lenlen pati na si JR.

Hindi nakakalimot magpadala ng regalo ang mga bossing ng Bizaare dahil sa umpisa pa lang, kilala na nila ang mga kasamahan ko sa bahay na sumasagot sa kanilang mga tawag sa landline phone ko.

Na-appreciate ko talaga na naaalaala nina Victor at Lucy ang mga kasambahay ko na looking forward  every year sa mga gift na ipinadadala sa kanila.

Ang family relationship, napaka-importante sa anuman bagay, you grow up together. Matagal na matagal na kaming magkakilala ng Bizaare bossings as in almost forty years na at walang nagbago sa ­aming friendship mula noon hanggang ngayon.

Brothers and sisters na nga kami dahil nakita nila na  lumaki pati ang  mga anak ko kaya dalawang brand lang ng t-shirts ang kilala ko  pero nananatili kaming friends nina Ben Chan ng Bench at Dody Arcaya ng Dickies.

Alam nina Ben at Dody ang closeness ko sa Bizaare nina Victor at Lucy So. Kahit saan, importante talaga ang friendship na lasting and eternal. Thank you Bizaare, Dickies at Ben Chan.

ALDEN RICHARDS

ALL OUT SUNDAYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with